Sana's Pov :
Abala ako sa pagpapatuyo ng buhok sa harap ng electric fan habang nakaupo sa sofa. Sakto namang kagigising lang ni Momo.
"Oh. Ang aga mo naman masyadong nagising ngayon." Gulat na sabi niya nang may kasamang paghikab.
"May lakad ako, Bakla."
"Saan ka naman pupunta ngayon?" Tanong niya sabay stretching pa sa harapan ko.
"Pupunta kami ni Dahyun sa Flower Farm niya."
"May flower farm si Dahyun?"
"Oo. Yun 'yung business niya."
"Sama ako!"
"Huh? Hindi pwede."
"At bakit naman?"
"Basta hindi pwede."
"Wala akong gagawin ngayon. Isama mo na ako."
"Eto naman eh. Hindi nga kasi pwede."
"Ang daya naman. Gusto ko lang namang sumama eh."
"Sisirain mo ang plano ko eh."
"Anong plano na naman ba 'yan? Tungkol na naman ba 'yan sa pagtuklas sa tunay na katauhan ni Dahyun? Sinasabi ko sayo, Sana. Baka mapahamak ka diyan sa ginagawa mo." Sermon niya sakin.
"Ano namang masama sa ginagawa ko? Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon ah. Dapat malaman niyang hindi sa lahat ng oras ay siya ang tama. Malakas talaga ang kutob kong may kakaiba siyang sikreto." Naghihinala paring sabi ko.
"Tsk. Mukhang hindi ka talaga mapipigilan sa trip mo eh noh. Basta kapag ipinakulong ka ni Dahyun, hindi kita tutulungang makalabas ng bilangguan." Dagdag niya kaya naman napakunot-noo ako sa kanya.
"Ang oa naman. Kulong kaagad?"
"Nakakakaba 'yang mga binabalak mo eh."
"Momo, kaya ko naman ang sarili ko. Sa oras na malaman ko na kung ano ba talagang initatago niya, hihinto na ako."
"Yang curiosity mo ang maglalagay sayo sa kapahamakan, Sana. Kapag leader pala ng sindikato 'yang si Dahyun, dali ka talaga. Kapag may nagtanong sakin kung kilala kita, sasabihin ko hindi."
"Aish. Tama na ngang kakasermon sakin. Isa pa, gusto ko naman kasi talagang pumunta doon sa flower farm niya."
"Ano namang gagawin mo doon?"
"Momo, ang tagal na nating magkasama tapos hindi mo parin alam na mahilig ako sa bulaklak?" Nakapamewang na tanong ko sa kanya.
"Alam ko naman 'yon. Sadyang nakakapagtaka lang na isasama mo pa si Dahyun sa kalokohan mo."
"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi ka kasama."
"Sige na. Huwag mo na ko isama. Daya mo naman kasi eh. Hmmm. Siguro gusto mong masolo si Miss Kim noh. Ay! Oo nga naman. Sana, talaga bang dumidikit ka kay Miss Kim dahil sa kagustuhang malaman ang mga sikreto niya o dahil gusto mo siya?" Napapa-grin na tanong ni Momo.
"Ew. Bakit ko naman siya magugustuhan? Nakakadiri. Kung ano man 'yung nakikita mo sa aming dalawa, walang ibig sabihin ang mga 'yon. Gusto ko lang talagang makaganti sa mga kalokohang ginawa niya sakin." Depensa ko kay Momo na hindi parin naniniwala kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng sarili ko.
Makalipas ang ilang oras nang pag-aayos ng sarili, humarap ako sa salamin upang tingnan kung presentable na ba ang itsura ko.
"Uy! Nagpapagandang maigi para kay Dahyun." Extra ni Momo kaya naman hinalbot ko yung throw pillow para ihagis sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...