Maraming salamat sa lahat ng walang sawang sumuporta sa story na 'to. Maraming salamat sa matiyagang paghihintay kahit na naging matagal ang proseso bago matapos ang kwentong 'to. Inabot ng 1 year at 13 days.
Sana nagustuhan niyo ang kwentong 'to. Alam kong marami pa akong kailangang i-improve sa pagsusulat. Hanggang kaya kong gumawa ng kwento, gagawa ako.
Maraming salamat sa lahat ng umunawa sakin sa good at bad times ko. Maraming salamat sa lahat ng nagbigay motivation sakin para ipagpatuloy ko ang paga-update nito. Maraming salamat din sa Panikuwak Fam. Sa totoo, short-story lang talaga dapat 'to. Pero dahil sa suporta niyo, inabot ng 150 chapters.
Ito ang isa sa pinaka-challenging na story na nagawa ko dahil kinailangan kong maging maingat sa detalyeng ilalagay ko bawat kabanata para hindi masira ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Dahil sa suporta niyo, bawing-bawi ang sleepless nights ko sa paga-update nito.
Sana may natutunan kayong maganda sa kwentong 'to. Kung wala man, ayos lang. Pagbubutihin ko na lang sa susunod para mas makapagpresent ako sa inyo ng mas magandang kwento. Kung tatanungin niyo kung may book 2 , sa ngayon wala pa akong plano. Kailangan ko din kasing magfocus sa studies ngayon at sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...