Chaeyoung's Pov :
Matapos ang date namin ni Mina, minabuti ko nang ihatid siya sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pagsabay sa kanyang sumakay sa kanyang kotse dahil dumidilim na rin.
"Sigurado ka ba, Chaeyoung? Ihatid na kaya muna kita sa mansion ni Dahyun."
"Huwag mo kong alalahanin, Mina. Sa oras na masigurado kong ligtas kang nakabalik sa inyo, sasakay na ako ng taxi pauwi sa mansion." Sagot ko kay Mina na napakamot-ulo lamang habang abala sa pagmamaneho.
Ayos lang saking mapagod. Ayos lang na gumawa ng extra effort. Basta masigurado kong nasa maayos na kalagayan ang aking reyna.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" Tanong ni Mina nang mahalata niyang nakatitig ako sa kanya nang may halong ngiti sa aking labi.
"Masama bang pagmasdan ka?"
"Binobola mo ko." Napapangiting sagot niya na halata namang kinikilig.
"Nawawala ang pagod ko sa tuwing kasama kita, Mina." Hindi parin ako makapaniwalang meron akong isang katulad niya.
"Asus! Bola pa, Chaeyoung." Natawa na lamang ako nang mapailing siya.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin kami sa bahay nila. Nang makalabas sa kotse ni Mina, minabuti ko nang maghanda para sa aking pag-alis.
"Sandali, Chaeyoung." Agad akong napalingon kay Mina na napalapit sakin.
"Ano 'yun?"
"Ingat ka pauwi."
"Salamat." Masayang sagot ko bago tuluyang tumuloy sa paglakad paalis ngunit muli na naman niya akong tinawag.
"Chae---Chaeyoung."
"Hmmm?"
"May nakalimutan ako."
"Huh? Ano naman 'yun?" Curious na tanong ko. Agad naman siyang kumilos na naging dahilan ng pagkabigla ko. Nanlaki ang aking mata sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa labi. Hindi agad ako nakakilos dahil sa sobrang gulat. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
"Mahal na mahal kita, Chaeyoung." Malambing na pagkakasabi niya kaya naman lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Mi---Mina."
"Ahem. Ahem. Ahem." Nagulat kami kay Tzuyu na nakatayo sa may isang tabi. Nakatingin lang siya samin. Hindi ko naiwasang mamula. Nakita kaya kami ni Tzuyu?
"Kanina ka pa diyan?" Kunot-noong tanonh ni Mina kay Tzuyu na agad din namang napangisi.
"Hindi ko inaasahan na ganyan ka pala ka-wild, Mina Unnie." Natatawang sabi ni Tzuyu kaya naman namula din ang pisnge ni Mina.
"Aish. Bwisit ka, Tzuyu!"
"Sige lang. Ituloy niyo lang 'yan. Hindi ako magsusumbong kila Dad sa pagbalik nila." Dagdag ni Tzuyu kaya naman mas nahiya kami ni Mina.
"Ah. Kailangan ko nang umalis, Mina." Agad na sabi ko dahilan para mapatango sakin si Mina. Hindi ko na kinaya ang sobrang hiya kay Tzuyu.

BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...