Sana's Pov:
Hindi ako makapaniwalang mangyayari 'to. Sa dinami-dami ng pwedeng mangyari, bakit ganito pa? At bakit si Dahyun pa?
Biglang pumunta kung saan si Dahyun. Nag-aasikaso naman ng almusal si Chaeyoung. Ako? Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang iniisip parin kung ano bang nangyari kagabi't humantong kami sa ganitong problema.
"Isip, Sana. Kailangan mong alalahanin." Pilit kong inaalala kung bakit napunta ako sa lugar na 'to pero nahihirapan parin ako. Sa ngayon, ang naalala ko pa lamang ay hanggang sa oras na nagpapaligsahan kami ni Dahyun sa inuman. Bakit ba kasi pinatulan ko pa ang bwisit na 'yon?
Habang nag-iisip ako, hindi ko sinasadyang mapagmasdan ang mga halaman at bulaklak na nakapwesto sa may tapat ng malalaking bintana. Mahilig din kaya ang bwisit na 'yon sa mga bulaklak at halaman? Bigla akong may naalala sa mga nangyari kagabi.
"Maraming halaman sa mansion ko. Maraming-maraming halaman. Sumasayaw yung mga halaman!" Lasing na pagmamayabang ni Dahyun sakin.
"Talaga lang ah? Napakayabang mo!" Binatukan ko siya nang slight dahil na rin sa kalasingan.
"Maniwala ka man o hindi. Magaganda yung mga halaman ko sa mansion. Nagniningning din ang mga bulaklak." Dagdag niya sabay tapik sa balikat ko kaya natawa na lamang ako bago siya itulak palayo sakin.
"Don't touch me, Dahyun. Nababaliw ka na. Sumasayaw ba ang mga halaman? Kumakanta sila!" Pagsalungat ko sa kanya.
"Ipapakita ko sayo!" Biglang sabi niya sabay hawak sa braso ko para yakagin ako kung saan.
"Ano bang ipapakita mo?!" Pareho kamimg nahihirapang lumakad dahil sa kalasingan at pagkahilo.
Nang makalabas kami ng bar, isinama niya ako sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya. Tiningnan ko siya nang masama dahil tila parang sira-ulo siyang iniaangat-angat ang kamay niya sa ere.
"Hoy! Ano bang kalokohan 'yan?!" Tanong ko sa kanya na hindi ako sinasagot. Patuloy lamang siya sa ginagawa niya.
"Hoooooooy!" Muling ulit ko sabay hampas sa balikat niya.
"Ano baaaaaaaa? Huwag ka nga maingay diyan. Nagpofocus ako!" Dahilan niya bago ituloy ang ginagawa niya.
"Sira ulo!" Hindi ko na siya muli pang ginulo. Minabuti kong pumasok na muna sa kotse niya dahil sa sobrang ngalay sa pagkakatayo. Maya-maya, pumasok na rin siya sa loob.
"Watch and learn, Sana." Mayabang na sabi niya sakin.
"Wala kang kwen ---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang biglang may magsigapangang mga sanga ng halaman sa paligid. Kasabay nito ang biglaang pagliwanag ng buong parte ng kotse.
"Hindi ako pwedeng magdrive." Sabi ni Dahyun sabay sandal na sa sandalan ng driver seat. Agad namang umandar ang kotse nang hindi niya kinokontrol dahilan para mamangha ako.
"Wooooow. Magician ka pala, Dahyun!" Pumalakpak pa ako sa kanya. Proud na proud naman siya sa sarili niya. Mabilis ang naging biyahe namin dahil maya-maya huminto na ang kotse hudyat na kailangan na naming bumaba.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...