32 : Silid-Aklatan

624 23 20
                                    

Dahyun's Pov :

Payapa akong naglilibot sa library ng mansion kung saan pinipili kong mabuti ang librong susunod na babasahin ko para sa mga bata sa bahay-ampunan sa susunod na pagbisita ko sa kanila.

Nahinto lamang ang paghahalungkat ko sa mga libro nang may maramdaman akong presensya na kadarating lamang.

"Bwisit." Nasabi ko na lamang bago tuluyang ibalik sa pagkakaayos ang librong hawak ko. Ano na naman kayang ginagawa niya dito?

Akma na sana akong lalabas ng library  nang biglang bumukas ang pinto.

"Nandito ka lang pala." Agad na pumasok si Sana sa loob para lumapit sakin.

"Sa---Sana." Hindi kaagad ako nakapagreact dahil sa biglaang pagpasok niya nang walang pahintulot mula sakin.

"Anong ginagawa mo dito? May library ka pala dito. Mahilig ka sa libro?" Sunod-sunod na tanong niya bago simulang galaw-galawin ang mga librong nakaayos sa lalagyan.

"Anong ginagawa mo dito? Pinapasok ba kita dito sa loob? Chaeyoung!" Malakas na pagkakatanong ko kay Sana bago tuluyang tawagin si Chaeyoung na agad ring nagpakita.

"Boss! Pinigilan ko talaga siyang pumasok dito. Maniwala ka sakin. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na bawal kang istorbohin dito." Paliwanag ni Chaeyoung sakin.

"Inituro niya kung nasaan ka. Sabi niya abala ka raw sa loob ng kwartong 'to. Wala kang magagawa sa mga taong madadaldal." Sagot kaagad ni Sana sabay turo kay Chaeyoung.

"Bakit parang kasalanan ko?" Tanong ni Chaeyoung sa aming dalawa.

"Tsk. Lumabas ka na nga lang, Chaeyoung. Isama mo na rin 'tong nakapasok na bruha sa silid-aklatan ko." Naiinis na utos ko ngunit hindi nagpatinag si Sana. Kahit anong gawing pagpapalabas ni Chaeyoung sa kanya, wala paring nangyari.

"Hindi ko talaga siya makumbinsi, Boss. Tadyakan mo na lang siya palabas. Aalis na muna ako. Makiki-thirdwheel muna ako sa date ni Jeongyeon at Nayeon. Busy kasi si Mina." Sambit ni Chaeyoung sabay labas na.

Naiwanan kami ni Sana sa loob. Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya nang masama habang abala siya sa paghahalungkat sa mga libro ko.

"Bitawan mo nga ang mga 'yan. Hindi naman kita binigyan ng permisong galawin ang mga 'yan." Saway ko sabay ayos sa bawat librong nililikot niya.

"Bakit sobrang dami mo namang libro? Nabasa mo na lahat 'to? Parang buong buhay mo nangolekta ka ng libro ah. Kahit yung mga may sira na, inilalagay mo parin dito." Rinig kong sabi niya.

"Wala kang pakialam."

"May natutunan na naman akong bago mula sayo."

"Pinagsasabi mo?"

"Napagtanto kong mahilig ka pala sa libro."

"Eh ano?" Badtrip na sagot ko sa kanya.

"Wala lang. Sinasabi ko lang. Napakamisteryosong tao mo kasi eh. Nakucurious talaga ako sa kung anong meron sayo."

"Ang creepy mo. Lumabas ka na nga!"

"Ganyan mo ba itrato ang baby mo?" Napa-poker face ako habang nakatingin sa kanya na tila nagpapacute pa sakin.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon