Lingid sa kaalaman ni Dahyun na hindi parin magawang muling magpakita kay Kyulkyung, abala rin ang kanyang kasintahan sa paghihintay.
Halos araw-araw na nauupo si Kyulkyung sa dating madalas na tambayan ni Dahyun kasama ng matatalik na kaibigan na sila Nabong at Kyungwan.
"Pakiusap, Bumalik ka na." Malungkot na pagkakasabi niya habang nakaupo sa lilom na parte sa silong ng punong tambayan nila Dahyun noon. Umaasa parin siyang isang araw ay muling magbabalik ang kanyang kasintahan na hindi man lang nagpaalam sa kanya bago tuluyang umalis at magpakalayo-layo.
Hawak-hawak niya ang huling bulaklak na ibinigay ni Dahyun. Umaasang mapupunan nito ang pangungulila ng kanyang puso.
Noong unang beses niyang malaman ang nangyaring engkwentro sa pagitan nila Dahyun at mga kaibigan nitong sina Kyungwan at Nabong laban sa mga sundalo ng kanilang pamahalaan, hindi agad siya naniwala.
Hindi niya akalaing magagawa ni Dahyun na suwayin ang batas ng pamahalaan. Pinilit niyang pakiusapan ang kanyang ama na patawarin na lamang si Dahyun sa nagawang kasalanan ngunit tila hindi siya pinakikinggan ng kanyang ama.
Pinaniniwalaan ng pinuno na mabigat ang ginawang paglabag ni Dahyun sa kanilang batas. Simula nang itakas ni Dahyun ang dalawang kaibigan, traydor na ang turing ng kanyang ama kay Dahyun. Pinilit na lamang ni Kyulkyung na itatak sa kanyang isipan na masyado lang nabigla ang kanyang ama sa ginawa ni Dahyun dahil lubos itong nagtitiwala sa kanyang pinakamamahal.
"Prinsesa." Rinig ni Kyulkyung na tawag ng isa sa tagapaglingkod ng pamahalaan.
"Hindi naman ako prinsesa." Malungkot na sambit ni Kyulkyung.
"Ngunit nais ng inyong ama na tawagin namin kayong prinsesa ng pamahalaang ito." Sagot ng kanyang tagapaglingkod na nagngangalang Sharon.
"Bakit nandito ka, Sharon?"
"Nais ng inyong ama na pumunta kayo sa pamahalaan. Gusto po kayong makausap ng pinuno." Sagot ni Sharon sa kanya.
"Sabihin mo kay ama, wala akong ganang makipag-usap ngayon sa kanya." Seryosong utos ni Kyulkyung kay Sharon na napakamot agad sa ulo.
"Ngunit ipinag-uutos po ng inyong ama na kahit anong mangyari ay pilitin kayong papuntahin sa kanya." Dagdag ni Sharon dahilan para mapatingin nang masama si Kyulkyung sa kanya.
"Ayoko."
"Pero ---"
"Sinabi nang ayoko eh. Bingi ka ba?" Tila nagbago at tumaas ang tono ng pananalita ni Kyulkyung kumpara kanina dahil sa pagkainis.
"Magagalit po ang inyong ama kapag hindi ko kayo naisama papunta sa kanya." Kalmadong paliwanag ni Sharon kahit na napagtaasan na siya ng boses ni Kyulkyung.
"Diba tagapaglingkod kita, Sharon? Dapat sakin ka sumusunod, hindi kay Ama. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Ipinag-uutos po kasi ng inyong ama."
"Hayaan mo na muna akong mag-isa. Pakiusap, huwag niyo muna akong gambalain pa. Para matahimik ka, sige na. Pupunta na ako kay ama mamaya."
"Maraming salamat po, Prinsesa."
"Sige na. Mauna ka nang umalis bago pa ako tuluyang mainis sa panggugulo mo." Agad rin namang kumilos paalis ang tagapaglingkod niyang si Sharon.
Nang maiwan nang mag-isa muli, napahinga na lamang si Kyulkyung nang malalim. Simula nang umalis si Dahyun, dumalas na ang pagkamainitin ng ulo niya. Ramdam na ramdam niya yung sobrang pangungulila sa kanyang kasintahan na nangakong kahit kailan ay hindi lalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...