Tzuyu's Pov :
Abala ako sa pagsha-shopping sa isang sikat na mall nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag na naman si Mina Unnie. Napahinga ako nang malalim bago tuluyang patayin ang phone ko para hindi na niya ako maabala.
Bubungangaan na naman ako non. Siguradong-sigurado ako. Wala namang bago eh. Pati ba naman pagsha-shopping ko, kailangan ko pang ipaalam sa kanya.
Ipinagpatuloy ko ang paglilibot sa mall upang humanap ng kung anong magugustuhan ko ngunit wala akong matipuhan.
Pasuko na sana ako sa paghahanap ng magugustuhan ko hanggang sa may makapansin ng aking atensyon.
"Akalain mo nga naman. Sa wakas, nahanap ko na ang gusto ko." Hindi ko napigilang sabihin sa sarili ko habang pinagmamasdan si Dahyun na naglilibot sa magagandang dress. Ano kayang ginagawa niya doon mag-isa?
Habang abala siya sa paglilibot, agad na akong lumapit sa kanya.
"Hi, Dahyun."
"Ah. Tzuyu. Ikaw pala." Gulat na pagkakasabi niya sakin.
"Anong ginagawa mo dito mag-isa?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Wala naman. May tinitingnan lang."
"Bibili ka ng dress? Para kanino? Para sakin?" Diretsyuhang tanong ko dahilan para mapakamot-ulo siya.
"Hi---Hindi. Naglilibot lang talaga ako."
"Ganun ba? Naglilibot lang din ako eh. Sabay na tayong maglibot." Sabi ko sabay linked arms sa kanya.
"Sandali, Tzuyu. May kailangan pa kasi akong asikasuhin." Sagot niya sabay dahan-dahang kawala mula sa pagkakakapit ko sa braso niya.
"Ano naman 'yon? Tulungan na kitang ayusin kung ano man 'yon. Wala din naman akong ginagawa eh."
"Kaya ko nang asikasuhin 'yun mag-isa."
"Ganun ba? Eh di sama na lang muna ako sayo."
"Huh? Hindi pwede." Napakamot-ulo na naman siya. Tama bang sabihin ko na ang cute niya lalo everytime na ginagawa niya 'yon?
"Bakit naman?" Napa-pout kong tanong sa kanya.
"Basta." Sagot niya sabay tuluyang kawala mula sa pagkakakapit ko sa braso niya.
"Ayaw mo ba akong makasama?" Nagtatampong tanong ko sa kanya.
"Hindi sa ganon. Busy lang talaga ako." Sagot niya sakin sabay lingon sa paligid.
"Sino bang nililingon mo diyan?" Curious na tanong ko.
"May kasama ako eh."
"Sino naman?"
"Ayun siya." Agad na inituro ni Dahyun ang kung sino sa di kalayuan. Nang tingnan ko kung sino ang inituturo niya, hindi ko maiwasang matahimik.
"Dahyun, hindi ko mahanapan ng magandang dress si Sa ---" Agad ring natigilan si Momo nang mapansin ako. Bakit magkasama sila Momo at Dahyun?
![](https://img.wattpad.com/cover/203242179-288-k304404.jpg)
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...