Isang panibagong umaga ang nagsimula sa kampo ng mga rebelde. Nang magising si Dahyun, minabuti niyang bumangon na sa hinihigaan upang maglakad-lakad sa labas.
Natanawan niya ang mga batang gising na rin upang tulungan ang kanilang mga magulang sa kanya-kanyang gawain nito. Tila naalala na naman niya ang kanyang magulang na ngayo'y hinahanap-hanap parin niya.
Biglang napunta ang kanyang atensyon kay Anna na mukhang kagigising lang din. Akma sana siyang lalapit dito ngunit tila dumaan lamang ito sa kanya. Natigilan sa kinatatayuan si Dahyun nang tila ba hindi siya nakita o napansin ni Anna gayong napatingin na ito sa kanya kanina.
"A---Anna!" Pagtawag niya sa dalaga na abala sa pagaasikaso ng mga bilaong paglalagyan ng mga gulay na kanyang pananim sa taniman nila sa likod ng kampo.
Dahil mukhang hindi siya naririnig ng dalaga, minabuti niyang lumapit dito.
"Tulungan na kita diyan, Anna." Nagagalak na sabi ni Dahyun. Napatingin lamang sa kanya si Anna bago tuluyang umalis dala ang bilaong kakailanganin niya.
Ni hindi na nakahabol pa si Dahyun sa dalaga dahil sa sobrang pagtataka kung bakit parang kakaiba ang kilos nito sa kanya ngayong araw.
"Problema non?" Napapakamot-ulong tanong ni Dahyun. Maya-maya, nakasalubong niya si Moira. Biglang nagnumbalik kay Dahyun ang naging usapan nila kagabi.
Hindi parin niya lubos matanggap na naglihim si Moira sa kanya. Kung hindi pa niya malalaman kay Sharon, hindi siguro aamin si Moira sa mensaheng ipinahahayag ni Kyulkyung.
Hindi rin niya napigilang maalala ang dahilan ni Moira kung bakit hindi nito inamin ang katotohanan sa kanya. Ito ay sa kadahilanang ayaw niyang masaktan si Anna sa oras na bumalik na si Dahyun kay Kyulkyung.
"Dahyun." Agad na lumapit si Moira sa kanya.
"Anong kailangan mo?" Inis paring tanong ni Dahyun.
"Alam kong may kasalanan akong nagawa sayo. Pero sana mapatawad mo ko. Sadyang natakot lang ako para sa mararamdaman ni Anna. Kaibigan ko 'yun. Simula nang makilala ka niya, doon ko lang siya nakitang tunay na naging masaya." Pagpapaliwanag ni Moira sakin.
"Kasintahan ko si Kyulkyung. Kailangan ako ni Kyulkyung. Isa pa, ano bang sinasabi mo? Ikaw ba si Anna? Paano mo nasabing may gusto siya sakin? Imposible. Magkaibigan lang kaming dalawa. Hanggang doon lang 'yon."
"Manhid ka nga talaga. Ito na nga pala ang espada mo. Balang araw maiintindihan mo rin ang sinasabi ko." Nang makuha ang kanyang espada, minabuti nang lumakad palayo ni Dahyun kay Moira.
Habang abala sa paglalakad, nagsisimula nang maguluhan si Dahyun tungkol sa kung may katotohanan ba ang sinasabi ni Moira tungkol sa nararamdaman ni Anna para sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng sobrang pag-aalala. Imposibleng magustuhan siya nito. Ni hindi nga siya pinapansin ng dalaga ngayon.
"Dahyun!" Napahinto sa paglalakad si Dahyun nang marinig ang pagtawag ni Sharon sa kanya.
"Oh, Sharon. Ikaw pala. Kumusta ang pagtulog mo? Nagkausap na kayo ni Anna?"
"Hindi na kami nakapagkwentuhan ni Anna kagabi. Natulog na rin kasi agad siya. Ayoko namang makaistorbo sa kanya." Sagot ni Sharon sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...