99 : Sakim

307 16 36
                                    

Sa pamahalaan, muling nakahanap ng tiyempo si Kyulkyung upang bisitahing muli si Moira sa kanyang kulungan.

"Moira."

"Bakit nandito ka na naman?" Seryosong tanong ni Moira sa kanya.

"Nagdala ako ng pagkain." Sagot ni Kyulkyung sabay abot ng pagkain sa espasyo ng seldang kinaroroonan ni Moira.

"Hindi ko tatanggapin 'yan."

"At bakit? Magpapakamatay ka ba sa gutom? Pati yung pagkain na iniwan ng mga sundalo sayo, hindi mo kinain!"

"Ano bang pakialam mo?"

"Mamamatay ka niyan sa gutom!"

"Eh ano? Yun ang gusto kong mangyari."

"Tama nang drama. Tanggapin mo 'to. Kumain ka."

"Para saan pa? Patayin mo na lang ako."

"Pwede ba, Moira?!"

"Nagkakamali ba ako ng pagkakaintindi? Diba ikaw ang papaslang sakin sa oras na maging handa ka na. Dapat tinuluyan mo na ako simula pa lang."

"Ano bang sinasabi mo? Ikaw na nga 'tong iniligtas mula sa kamatayan. Kung hindi ko sinabi 'yon kay Ama, baka patay ka na ngayon."

"Sa tingin mo, magtitiwala pa ako sayo? Tinraydor mo ko, Kyulkyung."

"At tinraydor mo din si Dahyun."

"Sige. Sabihin na nating traydor tayo pareho. Masaya ka na?"

"Makinig ka sakin, Moira. Magagawan pa natin ng paraan 'to. Pakiusap, makipagtulungan ka sakin. Gusto ko lang naman malaman kung kumusta si Sharon. Sagutin mo ang tanong ko."

"Hindi mo na ako mauuto."

"Pakiusap, Moira."

"Tumigil ka na, Kyulkyung. Umalis ka na dito bago ka pa mahuli."

"Kooperasyon mo ang kailangan ko."

"Kapag sinabi kong ayoko, ayoko." Desididong sagot ni Moira.

"Sa tingin mo ba gusto kong mapunta sa sitwasyon na 'to? Kung may kakayahan lang akong pakawalan ka ngayon, gagawin ko agad. Pero sa ganitong kaso, isang maling kilos ko lang ---posibleng masira lahat ng plano ko."

"Ano namang plano? Gagawa ka na naman ng katrayduran?"

"Para 'to sa kapayapaan ng lahat, Moira."

"At sino na namang tatraydurin mo?"

"Ang Ama ko."

"Kalokohan. Ama mo 'yon. Imposible. Diba masunuring anak ka sa kanya. Hindi mo na ako malilinlang, Kyulkyung."

"Kung ayaw mong maniwala, huwag kang maniwala. Hindi kita pipilitin. Hindi kita pupwersahin. Hindi ko na rin susubukan na makipagtulungan sayo. Kung alam mo lang kung gaano kahirap 'to. Kung alam niyo lang sanang lahat."

"Tama nang satsat, Kyulkyung."

"Ginagawa ko 'to para na rin sa kaligtasan ng kapatid ko. Kapag hindi ako sumunod kay Ama, si Sharon ang gagamitin niyang instrumento para mapasunod ako. Kung susuway ako, si Sharon ang maaaring mapahamak."

"At paano naman ang sarili mo, Kyulkyung? Hindi na ikaw ang Kyulkyung na unang nakilala ko. Kahit na may pagka-masungit yung Kyulkyung na nakilala ko noon, hindi siya pumapatay nang kahit na sino." Nanghina si Kyulkyung sa narinig niya mula kay Moira.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon