Mina's Pov:
"Ma'am, ano pong gusto niyong kainin para sa dinner?" Sumalubong sakin ang isa sa maid namin nang dumating ako sa bahay.
"Kahit ano okay na."
"Tzuyu!" Pagtawag ko sa nakababatang kapatid kong si Tzuyu.
"Ay! Umalis po si Ma'am Tzuyu kaninang umaga."
"Huh? Saan daw pupunta?"
"Hindi niya po sinabi kung saan."
"Sa susunod, itext niyo ko kapag umalis sa bahay nang hindi nagpapaalam sakin."
"Masusunod po, Ma'am."
"Muntik ko nang makalimutan. May ibibigay nga pala ako sa inyo."
"Ano po 'yun?" Agad na akong bumalik sa kotse para kunin ang mga ukay na damit na binili ko kay Sana.
"Here." Inabot ko sa isang maid namin ang bag na naglalaman ng maraming damit.
"Po?"
"Para sayo at sa iba pang maid dito. Sana magustuhan niyo."
"Para po samin? Bakit po?"
"Gusto ko lang kayong bigyan ng regalo."
"Sobra-sobra na po ang ibinibigay niyo samin."
"Huwag niyong intindihin 'yon. Bukal sa kalooban ko na magbigay sa inyo dahil ginagawa niyo nang maayos ang trabaho niyo, maliban na lang sa pagpapanatili sa pagpirmi ni Tzuyu sa bahay."
"Pasensya na po kayo."
"Wala kayong dapat ipaghingi ng pasensya. Talagang may katigasan ng ulo ang kapatid kong 'yon. 'Di porke't nasa ibang bansa ang magulang namin ay gagawin na niya ang matripan niya." Sagot ko sabay upo muna sa sofa para makapagpahinga.
21 years old na ang kapatid kong si Tzuyu. 22 naman ako. Alam kong nasa tamang edad na naman si Tzuyu ngayon para gawin ang ibang bagay pero hindi ibig sabihin noon ay dapat hindi na niya pakikinggan o susundin ang mga payo ko bilang nakatatandang kapatid niya. Ako parin ang ate niya.
"Gusto niyo po ng meryenda?" Tanong naman sakin ng isa pang maid.
"Sure. Thanks." Nagpalipas na muna ako ng oras sa paggamit ng phone habang hinihintay ang meryendang ihinahanda ng maid namin.
"I'm back!" Napahinto ako sa paggamit ng phone nang marinig ko na ang tila galak na galak na tono ng pananalita ni Tzuyu. Tama, nakabalik na talaga siya.
"Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka kanina? Kung 'di pa sinabi ng maid natin na umalis ka, hindi ko malalaman." Hinarap ko siya.
"22 na ako, Unnie. Kaya ko na ang sarili ko."
"Mahirap bang magpaalam?"
"Mahirap."
"At bakit?"
"Kasi hindi mo ko papayagan. Kilala kita eh. Mina, ang ate kong strikto." Sagot niya na tila nang-aasar kaya naman napakunot-noo ako.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...