69 : You're Mine & I'm Yours

1.2K 25 34
                                    

A/N : 👶❌ Balakayojan. Lol. Ha? Hatdog.

Dahyun's Pov :

"Paano si Sana?"

"Gusto mo nang matapos ang paghihirap mo? Alam naman natin na kapag nangyari 'yan, posibleng mawala ka na sa mundong 'to. Paano si Sana?"

"Aalis ka na lang ba nang walang paalam sa kanya?"

Sa pag-alis ni Chaeyoung para sa dinner date nila ni Mina, hindi parin mawala sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina.

May punto siya sa mga sinabi niya. Ngunit anong magagawa ko? Hindi ko na mababago ang lahat. Nandito parin ako sa mundong 'to dahil sa isang sumpa na hindi ko alam kung kailan ba matatapos.

May parte sa puso ko na nagsasabing huwag ko nang sabihin kay Sana ang totoo dahil masasaktan ko lang siya. Pero may parte rin sakin na nagsasabing napakasakim ko.

Bakit? Dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong paparating ang maaaring mangyari.

Nasanay akong palagi siyang kasama. At sinanay ko rin siya sa piling ko. Isa lang ang alam ko sa ngayon, kahit anong gawin o piliin kong desisyon --- masasaktan ko parin siya sa huli.

Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Pinilit kong matulog ngunit nagpupumilit din ang mga katanubgan sa aking isipan. Pinilit kong magbasa na lang ng libro sa aking silid-aklatan ngunit kay Sana parin nakabaling ang aking atensyon. Pinilit kong puntahan sila Nayeon at Jeongyeon ngunit mukhang tulog na sila sa kanilang tinitirhan malapit sa mansion.

Sa huli, napagdesisyonan ko nang puntahan siya sa kanila. Sa pagdating ko sa labas ng apartment nila, huminga muna ako nang malalim bago tuluyang kumatok.

Nang magbukas ang pinto, tumambad sa harapan ko si Sana na mukhang kakaligo lamang. Nakasuot siya ng pink na bathrobe. Basa parin ang kanyang buhok.

"Oh, Dahyun. Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Gulat niyang tanong.

"Ah. Naisipan ko lang bumisita." Napapakamot-ulong sagot ko.

"Pasok ka." Tuluyan na akong sumunod sa kanya papasok sa loob. Minabuti kong maupo muna sa sofa sa living room.

"Nasaan si Momo?" Napansin ko kasing parang sobrang tahimik ng apartment. Hindi rin nagpapakita si Momo.

"Ah. Wala si Momo. Sinamahan si Tzuyu sa bar. Nakiusap kasi si Mina sa kanya."

"Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko habang iginagala ang mata ko sa buong paligid.

"Oo, ako lang. At ikaw." Sagot niya kaya naman napalingon ako sa kanya na agad namang umupo sa sofa sa harapan ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Mukhang ako ang dapat na magtanong sayo niyan." Seryosong sagot niya habang nakatitig sakin na tila inuusisa ang ekspresyon ng mukha ko.

"Huh?"

"Tell me the truth, Dahyun. May bumabagabag ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Wa ---Wala naman. Sadyang gusto lang kitang makita ngayon."

"Gusto mo kong makita? Bakit? Sa ganitong oras? May gusto ka bang sabihin sakin?"

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon