94 : Dance

379 14 38
                                    

Sana's Pov :

Naiwanan akong mag-isa sa apartment dahil nagpatuloy si Momo sa paghahanap ng trabaho. Gusto niya daw na may mapatunayan sa Dad ni Tzuyu.

At dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Dahyun, nagdesisyon akong pumunta sa mansion. Sumakay ako sa taxi.

Nang makarating ako sa mansion, agad na akong nagdoorbell. Si Chaeyoung ang sumalubong sakin.

"Sana? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo sinabing pupunta ka? Nasundo sana kita." Gulat na tanong ni Chaeyoung.

"Ayos lang ako, Chaeyoung. Salamat. Kaya ko naman."

"Sa susunod i-text mo ko para masundo kita. Baka kasi mapaano ang magiging anak niyo ni Dahyun. Baka kung ano din ang mangyari sayo. Pasok ka na." Tumango na lamang ako bago tuluyang sumunod kay Chaeyoung papasok sa loob.

Sobrang tahimik ng paligid. Ramdam na ramdam talaga yung pagkalumbay ng paligid.

"Nasaan si Dahyun?" Tanong ko.

"Nasa loob ng kwarto niya."

"Kumusta siya?"

"Ilang araw nang nakakulong sa kwarto. Walang ganang makipag-usap o kumain. Nag-aalala na rin ako eh. Hindi ko na alam kung paano siya papangitiin." Malungkot na sagot ni Chaeyoung sakin.

"Pwede ko ba siyang puntahan?"

"Oo naman. Sa tingin ko, ikaw lang talaga ang makapagpapagaan ng kalooban niya. May hindi kasi kami pagkakaunawaan noong isang araw. Yung panahon na pinuntahan namin sila Mina."

"Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang makakaya ko upang subukan siyang mapangiti. Paano? Puntahan ko na muna siya." Tumango na lamang si Chaeyoung kaya naman agad na akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ni Dahyun.

Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang kumatok. Sa pagkatok ko, walang sumagot.

"Dahyun?" Wala parin. Inulit ko ang pagkatok ngunit wala parin akong naririnig na boses ni Dahyun kaya naman minabuti ko nang pumasok.

Nang makapasok ako sa loob, naabutan ko siyang nakasandal sa headboard ng kama. Nakayuko ang kanyang ulo't nakadantay sa magkabilang tuhod niya.

"Dahyun, Ako 'to." Dahan-dahan siyang napatingala't napalingon sakin na nakatayo sa harapan niya.

"Sa ---Sana."

"Kumusta ka?" Minabuti kong maupo na sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo ko tinawagan para nasundo sana kita?"

"Namimiss na kita eh. Kaya ko naman pumunta dito mag-isa."

"Si Momo? Bakit hindi ka nagpasama kay Momo?"

"Naghahanap siya ng trabaho ngayon. Hindi niya rin alam na pupunta ako dito. Nag-taxi naman ako."

"Next time, Tell me. Para masundo kita." Tumango na lamang ako. Pinagmasdan ko siya. Halatang-halata na hindi siya okay.

"Dahyun, Nandito lang ako." Panimula ko sa kanya.

"Pasensya ka na kung hindi ako masyadong nakakareply o nakakatawag sayo nitong mga nakaraang araw." Sambit niya sakin kaya naman hinawakan ko siya sa kamay.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon