109 : Sagupaan

285 15 6
                                    

Kinabukasan, nagsimula na ang plano ni Dahyun na sugurin ang Pinuno sa pamahalaan. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakbay nila patungo sa pamahalaan, maraming sundalo ang nagkataon na pumapatrol sa lugar upang magbantay.

"Kita mo nga naman kung sino ang nandito." Sabi ng isa sa mga sundalo na napatingin kay Dahyun.

"Tumabi kayo sa daraanan namin kung ayaw niyong mamatay!" Seryosong pagbabanta ni Dahyun.

"Ibalita sa Pinuno na narito ngayon ang isa sa mga pinaghahanap na traydor sa pamahalaan. Ngayon na!" Sabi naman ng isa sa mga namumuno sa pangkat ng sundalong pumapatrol kaya agad na kumilos paalis ang tatlo sa mga sundalo upang bumalik sa pamahalaan baon ang balita para sa kanilang Pinuno.

"Paumanhin, Dahyun. Kailangan kong bumalik sa kampo upang balaan at balitaan sila Tatang Jinyoung." Sabi ng isa sa mga rebelde.

"Ano? Hindi natin kailangan ang tulong ng mga taong walang suporta sa planong 'to!" Inis na sagot ni Dahyun dahilan para mapatawa ang mga sundalong nakaharang sa kanila kaya naman lalong nainis si Dahyun.

"Babalik kami, Dahyun. Masyado silang marami. Hindi natin kakayanin. Bago pa tayo makalapit sa Pinuno, mapapatay na tayo ng mga sundalong 'yan." Rinig ni Dahyun bago tuluyang umalis ang ilan sa mga rebelde sakay ng kanilang kabayo.

"Narinig mo ang sinabi ng mga kasama mo? Hindi niyo kami kakayanin. Haha." Mapang-asar na sabi ng isa sa mga sundalo kaya napatikhom ang kamao ni Dahyun.

"Pagkatapos ng laban na 'to, sisiguraduhin kong pagbabayaran niyo ang lahat ng pinagsasabi niyo!" Galit na sigaw ni Dahyun.

"Mga kapwa - sundalo, hulihin silang lahat. At kapag may pumalag, patayin na nang tuluyan!" Sabi ng namumuno sa pangkat ng mga sundalo kaya naman nagsimula na ang kanilang sagupaan.

"Sugod!" Sigaw ni Dahyun sabay handa ng kanyang espada.

Rinig na rinig ang pagkakayabag ng paa ng mga kabayo kung saan kanya-kanyang nakasakay ang mga rebelde at sundalo.

Nagsimula nang dumanak ang dugo. Habang abala sa pakikipaglaban si Dahyun, Napalingon siya sa mga kasamahang rebelde na unti-unti nang natatalo ng mga sundalong nakakasagupaan.

"Walang susuko hanggang kamatayan!" Muling sigaw ni Dahyun sabay tuloy sa pakikipaglaban.

----

"Magsipaghanda na ang lahat ng kalalakihan!" Agad na nagising si Anna nang marinig ang malakas na boses ng kanyang ama.

Nagmadali siyang bumangon sabay kuha sa kanyang papel at pluma bago tuluyang lumabas para alamin ang sitwasyon.

Naabutan niyang nagmamadaling kumilos ang mga kalalakihan sa kanilang kampo kasama na ang kanyang ama na si Tatang Jinyoung.

"Anna, Dito ka lang." Agad na humarang si Sharon sa kanya. Tiningnan lamang niya ito bago tuluyang lumapit sa kanyang ama.

"Anna, Kailangan na naming umalis. Dito lang kayo sa kampo." Nagmamadaling sabi ng kanyang ama.

"Saan kayo pupunta, Ama?"

"Susundan namin si Dahyun. Sigurado akong kailangan nila ng tulong."

"Sasama ako." Nagmamadaling inisulat ni Anna sa papel ang nais niyang sabihin.

"Masyadong delikado, Anna. Dito na lamang kayo ng ibang kababaihan. Kami na ang bahala." Pagtanggi ng kanyang ama.

"Pero gusto ko rin puntahan si Dahyun." Mapilit na sagot ni Anna dahilan para mapahinga nang malalim si Tatang Jinyoung.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon