80 : Gigil

605 17 23
                                    

A/N : Kung may mapansin kayong typo o kung ano mang ka-alien-an na natype ko dito sa chapter na 'to, pagpasensyahan niyo na. Inaantok na kasi ako. Tulog na dapat ako ngayon eh. Ginigigil niyo ko. HAHAHAHAHAHAHA Charot. Enjoy!

Sana's Pov :

Nang madiskubre namin ni Momo na nagdadalang-tao nga talaga ako, sinabihan niya akong ipaalam na kay Dahyun. Ngunit nakaramdam na naman ako ng inis dahil sa nangyari kanina.

Kailan pa ako naging si Anna? Maaaring magkamukhang-magkamukha nga kami sa panaginip ko. Pero hindi ako si Anna. May sarili akong pangalan. Tapos may bagong pangalan na naman akong narinig sa kanya. At sino naman si Jihyo?!

Sinabihan ko na si Momo na huwag na huwag sasabihin kay Dahyun dahil badtrip pa ako kaso matigas talaga ang ulo ng isang 'to. Rinig na rinig ko yung pagbabalita niya kay Dahyun. Bigla akong nabuwisit kaya naman umalis ako ng apartment. Basta naiinis ako.

Sa paglalakad ko sa labas, may nakasalubong akong dalawang holdaper. Hindi ko alam kung anong gagawin dahil gabi na't walang ibang tao sa labas na pwede kong mahingian ng tulong. Sobrang takot at kaba ang naramdaman ko. Akala ko mapapaano na kami ng magiging anak namin ni Dahyun.

Sa mabilis na segundo, hindi ko inaasahan na darating si Dahyun upang iligtas kami ng magiging anak niya. Parang naestatwa ako sa nasaksihan kong ginawa niya. Sa puntong 'yon, sigurado na talaga akong hindi lang imahinasyon ang mga nakita kong kakaiba sa pagkatao ni Dahyun.

Aminado akong nakaramdam ako ng konting takot sa una dahil hindi ko inaasahan na darating ang pagkakataong ito na matutuklasan ko talagang may kakaiba sa kanya.

Napansin kong nalungkot siya nang sobra sa pag-aakalang natakot ako sa kanya. Aminado akong badtrip parin ako sa kanya kaso hindi ko talaga siya matiis. Isa pa, siya ang dahilan kung bakit ligtas ako at ang magiging anak namin.

Nang makabalik kami sa apartment, sinalubong kami ni Momo na halata namang nag-aalala din.

"Sana, Saan ka ba nagpunta?!"

"Relax, Momo. Ayos lang ako." Seryosong sagot ko.

"Galit ka ba sakin? Sorry na. Hindi ko lang kasi napigilang sabihin sa kanya ang katotohanan sa ipinagbubuntis mo. Nag-alala ako na baka may mangyaring masama sayo. Tapos wala siyang kaalam-alam. Eh may karapatan naman siyang malaman ang tungkol sa dinadala mo." Pagpapaliwanag ni Momo.

"Okay, Momo. Chill. Hindi ako galit sayo. Nabadtrip lang ako. Umalis lang ako para mapag-isa. Basta nainis ako bigla." Sambit ko.

"Ganoon talaga yata kapag buntis. Momo, pagpasensyahan na lang natin ang pagiging moody ni Sana." Paliwanag naman ni Dahyun kay Momo.

"Saan mo nahanap si Sana?" Tanong ni Momo kay Dahyun na agad namang napatingin sakin.

"Hindi pa naman siya tuluyang nakakalayo nang matagpuan ko siya." Sagot ni Dahyun kay Momo.

"May nangyari bang masama?" Tanong ni Momo sa aming dalawa. Hindi agad nakasagot si Dahyun kaya naman ako na ang naunang sumagot.

"Wala naman, Momo. Ayos lang talaga kaming dalawa. Walang dapat ipag-alala. Paano? Punta na muna kami ni Dahyun sa kwarto. Marami kaming dapat pag-usapan." Agad ko nang hinawakan ang kamay ni Dahyun.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon