Sana's Pov:
Sabi nila mahirap ang takbo ng buhay sa mundong ito. Noong bata pa lamang ako, napapaisip ako kung bakit may mga taong nagsasabi ng ideyang 'yon.
Hindi ko sila maintindihan noon. Palagi kasing nandiyan ang magulang ko para gabayan ako. Kahit mahirap lang kami, ginagawa parin nila ang lahat para lamang maiparamdam sakin na hindi nila ako pababayaan.
"Mga suki! Pili na kayo. Maraming bagong dating na damit. Gora na!" Inilatag ko na sa lamesa yung mga dala kong damit na ukay-ukay.
"Sipag na sipag ka ngayon ah." Sambit ng isang suki ko sa mga paninda kong ukay-ukay.
"Siyempre kailangan kong magpursigi. Sarili ko lang inaasahan ko ngayon eh. Pili lang kayo diyan ah." Sagot ko sabay lingon sa mga suki kong kanya-kanya nang pumipili ng mga magugustuhan nilang paninda ko.
"Bilib din talaga ako sayo, Sana. Wala bang tawad 'tong napili kong bilhin?"
"Nako. Ayan ka na naman, Aling Vicky. Dinadaan mo na naman ako sa kwento. Haha." Pabirong sagot ko sabay tawa.
"Sige na nga. Hindi ka naman mautakan eh." Napakamot-ulo na lamang si Aling Vicky.
"Mautak ata 'to." Nakangiting sagot ko habang inaasikaso ang mga paninda ko.
"Pabili ako nito."
"Eto ang sakin."
"Bagay ba sakin 'to?"
Halos magkandagulo na sila sa pagbabayad sakin kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti. Siyempre kikita na naman ako. Kailangan kong kumita ng pera ngayong mag-isa na lang akong bumubuhay sa sarili ko.
Noong mag-18 years old ako, naulila na kasi ako sa magulang ko. Simula noon, ang dami kong narealize.
Noong unang beses kong hinarap ang buhay kong 'to, naisip kong mahirap nga talagang makasurvive sa mundong 'to kung hindi ka marunong dumiskarte.
Unti-unti kong naiintindihan yung sinasabi ng mga matatanda noong bata pa lamang ako. Pero nagpapasalamat parin naman ako sa magulang ko dahil pinaranas nila sakin noon ang kasaganahan ng buhay kahit na mahirap lamang kami.
"Mga suki, magaganda 'tong mga bagong dating na ukay-ukay. Tingnan niyo. Babagay sa inyo 'to. Mura na, mas nakakaganda pa." Inilabas ko yung bra na nasa plastic bag. Inisuot ko ang bra sa sarili ko nang hindi na nagtatanggal ng saplot ko.
"Oh. Bibilhin ko 'yan!"
"Ako nang bibili!"
"Magkano?!"
"Relax lang kayo. Marami 'yan. Hindi kayo mauubusan." Halos mag-unahan sila sa pagbili.
"May mga bagong damit ba diyan?" Tanong ng iba kaya naman napa-palakpak ako nang isang beses.
"Tamang-tama, mga momshie. May mga bagong dating na damit din para sa inyo. Sure na magugustuhan niyo."
"Patingin."
"Ang ganda, diba? Kabog kaya bili na!" Iminodel ko pa sa kanila yung blouse na inisuot ko rin kapatong ng damit ko para mas makita nila nang maayos.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...