147 : Masaya

392 12 14
                                    

A/N : September 7 pala yung last ud nito. Sorry. Natagalan. Nagkaproblem kasi sa paglog-in ko sa acc ko noong September eh. 20 days kong di nabuksan. Tapos nitong October, naging busy naman ako sa online class. Hindi pa 'to last chapter. Sana magustuhan niyo.

Dahyun's Pov :

Sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ang gumising sakin. Sa paglingon ko sa aking tabi, tumambad sa akin ang magandang mukha ng pinakamamahal ko.

Parang kusa na akong napatitig sa kanya. Ramdam na ramdam ko yung matagal niyang paghihintay sakin dahil sa higpit ng yakap niya. Pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Paano ko nagawang paghintayin nang matagal si Sana? Sigurado kong iyak siya nang iyak sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Napakaswerte ko dahil kay Sana.

Hindi lahat nagagawang maghintay nang matagal. Hindi lahat nauunawaan ang dahilan ng paglisan ng isang tao.

Parang dati ako yung iniiwanan. Dumadating sila sa buhay ko upang umalis. Dahil paulit-ulit yung proseso, nasanay na ako. Pero sa pagkakataong 'to, ako yung lumisan.

Palagi kong iniisip dati na siguro madali lang mang-iwan kaya nagagawa 'yon ng mga taong dumadating sa buhay ko. Nagkamali pala ako. Hindi pala palaging ganon.

Mahirap mang-iwan lalo na kung sobra ka nang napamahal sa maiiwan mo. Sobrang hirap umalis kapag ayaw mo naman talagang umalis. Sa kaso ko, hindi lang si Sana ang naiwan ko. Kabilang na rin ang mga kaibigan ko.

Lalong-lalo na ang anak naming si Hatdog. Ewan ko kung nagdroga ba si Sana noong mga panahong wala ako kaya ganon ang pangalan ng anak namin. Charot! Kahit ano pang pangalan ng anak namin, anak ko pa rin 'yon. Walang magbabago.

Muling napunta kay Sana ang atensyon ko nang bahagya siyang gumalaw dahilan para magulo ang buhok niya. Agad kong inayos ang buhok niyang tumabing sa maganda niyang mukha.

"Sobrang swerte ko dahil hinintay mo ko, Sana." Nasabi ko na lamang habang nakadampi ang isang kamay ko sa pisnge niya. Hindi ko napigilang mapangiti hanang pinagmamasdan siyang matulog.

"Sobrang swerte ko din dahil bumalik ka." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Sa pagmulat ng mata niya, sumabay ang ngiti sa labi niya.

"Huh? Gising ka na pala, Sana."

"Hindi lahat bumabalik, Dahyun. Sobrang swerte ko kasi bumalik ka." Nang magtagpo ang mata namin, namula ang pisnge ko.

"Good Morning, Sana."

"Good Morning, Dahyun."

"Kumusta ang tulog mo?"

"Nakatulog ba talaga tayo?" Biglang tanong niya.

"Huh?"

"Pinagod mo ko kagabi." Bulong niya sakin dahilan para mas mamula ako. Namiss ko talaga si Sana. Aish! Kim Dahyun, Huwag kang magpatalo.

"Namiss kasi kita." Bulong ko din sa kanya.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" Dagdag na tanong niya nang nakayakap pa rin sakin habang magkasalo kami sa iisang blanket.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon