Sana's Pov:
"Nandito na ako, Momo." Nakangiting sabi ko nang makabalik ako sa apartment namin ni Momo.
Naabutan ko siyang nakaupo't nakasandal sa sofa. Napakunot-noo ako dahil sa kakaibang aura na nararamdaman ko sa kanya.
"Momo." Mahinahong tawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon sakin. Narinig ba niya ako? Masyado bang mahina ang boses ko?
"Momo." Medyo malakas na pagkakatawag ko ulit sa kanya kaso wala paring effect. Bakit ganon? Nabingi na ba ang kaibigan ko?
"Momo!" Sigaw ko sa kanya kaso parang hangin ang kinakausap ko dahil wala parin siyang kaimik-imik sakin. Nasiraan na nga ata ng ulo 'tong kaibigan kong 'to. A
"MOMO!" Agad akong pumunta sa harapan niya sabay sigaw nang pagkalakas-lakas. May narinig pa akong nagulat na pusa sa kapitbahay. Agad namang napaiktad si Momo dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko.
"Ba --- Bakit?" Tila gulat na tanong niya sakin.
"Ayos ka lang ba? Kanina pa ako tawag nang tawag sayo eh. Para kang ewan diyan."
"Ganun ba?"
"Ano bang nangyayari sayo? May problema ba?" Minabuti kong maupo sa tabi niya.
"Wala naman."
"Sigurado ka? Bakit parang may pinoproblema ka?"
"Pagod at puyat lang siguro 'to." Sagot niya sabay yuko na lang kaya tiningnan ko siyang mabuti base sa kilos niya. Kilala ko 'tong sira-ulong 'to eh. Pagod o puyat man 'yan, mambuburaot 'yon. Ngayon, parang may mali sa ikinikilos niya.
"Oo nga pala. Anong oras na kayo nakauwi nila Mina kagabi?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Saan ka nagpunta kagabi? Bakit hindi ka umuwi dito?"
"Mahabang kwento 'yung sakin, Momo. Ang gusto kong malaman ay anong oras kayo nakauwi nila Mina."
"Nauna na akong umuwi kaysa sa kanila."
"Huh? Diba pinababantayan sayo ni Mina si Tzuyu? Hindi mo binantayan?"
"Binantayan."
"Umuwi na rin ba si Tzuyu nang umuwi ka?"
"Hindi ko alam."
"Hindi kita maintindihan, Momo. Sabi mo, nauna kang umuwi pero binantayan mo si Tzuyu. Tapos ngayong tinatanong kita kung umuwi na rin si Tzuyu nang umuwi ka, hindi mo alam?" Naguguluhang sabi ko sa kanya.
"Hindi kasi madaling ipaliwanag yung nangyari kagabi." Seryosong pagkakasagot niya kaya nagkaroon ako ng clue kung bakit siya nagkakaganyan.
"Tell me, Hirai Momo."
"Ano?"
"Anong nangyari kagabi? May kinalaman ba si Tzuyu sa nakabusangot na mukha mo ngayon?"
"Wala 'yon."
"Anong wala? Kilala kita."
"Aish. Simpleng hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin ni Tzuyu." Sinasabi ko na nga ba eh. May kinalaman si Tzuyu sa mood niya ngayon.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...