25 : Misyon

454 16 4
                                    

"Dahyun!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Kyungwan at Nabong habang buwis-buhay na nakikipaglaban si Dahyun sa ibang sundalong nais silang dalhin sa Pinuno.

"Walang pwedeng manakit sa mga kaibigan ko!" Sigaw ni Dahyun habang patuloy sa pakikipaglaban ng espadahan sa mga kalaban.

"Mga traydor!" Sigaw ng isang sundalong tagumpay na napabagsak ni Dahyun.

"Itigil niyo na 'to. Pakawalan niyo na sila." Kahit na may halong pagmamakaawa ang tono ng boses ni Dahyun, hindi siya huminto sa pakikipaglaban hanggang sa isa-isa na niyang mapabagsak ang mga sundalong halata namang hindi siya kayang talunin sapagkat mas malakas siya kumpara sa kanila.

Hindi siya hihirangin bilang isa sa may pinakamataas na ranggo bilang sundalo kung hindi siya kagalingan pagdating sa paggamit ng mga armas.

"Tiyak na mapapatawan ka ng kaparusahang kamatayan sa oras na malaman ng Pinuno na isa kang traydor! Ikagugulat niya na ang pinagkakatiwalaan niyang si Kim Dahyun ay isa ring traydor!" Sigaw ng isa pang sundalo bago wakasan ni Dahyun ang kanyang buhay.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang mga kaibigan ko. Dapat noon pa lang namulat na ko sa pangit na pamamalakad ni Pinuno. Masyado akong nagpakampante." Nang mapatumba na ang lahat ng kalabang sundalo, agad na kumilos si Dahyun upang pakawalan ang dalawang kaibigan.

"Da---Dahyun." Mahinang pagkakasabi ni Kyungwan dahil sa mga sugat at pasa na natamo niya.

"Bakit mo kami tinulungan? Madadamay ka sa ginagawa mo. Layuan mo na kami." Sabi naman ni Nabong na hirap ding tumayo.

"Hindi ako basta tatayo na lang habang dahan-dahan kayong pinahihirapan sa harapan ko." Nang tuluyan silang mapakawalan ni Dahyun, pilit silang tumayo.

"Aray!" Malakas na pagkakasabi ni Kyungwan dahilan para mapansin ni Dahyun ang sugatang binti ng kaibigan.

"Napaano 'yan?"

"Nang makipagkita kami kanina na nakikipag-ugnayan sa mga rebelde, sinugod kami ng mga sundalo. Hindi namin alam na may mga nakamatyag samin nang mga oras na 'yon. Nagawa naming patakasin ang mga rebelde sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga sundalo. Nasugatan si Kyungwan kanina dahil ginawa niya ang makakaya niya para protektahan ako." Mabilis na paliwanag ni Nabong.

"Kung ganon kailangan na pala nating bilisan ang kilos. Sigurado kong darating dito ang iba pang sundalo ng pamahalaan ng Pinuno upang dakipin tayo pare-pareho."

"Kaya na namin, Dahyun. Iligtas mo ang sarili mo."

"Hindi ko kayo iiwanan. Sigurado kong may iba nang nakapagsumbong sa Pinuno ng ginawa kong pagtulong sa inyo. Umalis na tayo dito." Wala nang nagawa ang dalawa dahil agad ring humila ng dalawang kabayo si Dahyun.

"Sa kabayong gagamitin ko makikisakay si Kyungwan. Sa isang kabayo ka naman, Nabong." Tumango na lamang si Nabong bago tuluyang alalayan si Kyungwan na makasakay sa kabayong gagamitin ni Dahyun.

"Umalis na tayo bago pa nila tayo maabutan." Sambit ni Kyungwan na nakakapit kay Dahyun kaya naman sumakay na rin sa kabilang kabayo si Nabong bago sila tuluyang lumisan sa lugar.

Pinilit naming makalayo nang tuluyan mula sa aming lugar upang matiyak na hindi kami nasundan. Sa pagdating ng dilim, nakahanap kami ng isang maliit na bahay-kubong mukhang walang nakatira. Nang matiyak kong wala ngang tao sa loob, minabuti kong papasukin na si Kyungwan at Nabong sa loob.

"Sigurado ka bang ligtas tayo dito, Dahyun?" Nag-aalalang tanong ni Nabong.

"Sa lahat ng nadaanan natin, masasabi kong ito na ang pinakaliblib. Mahihirapan silang matunton tayo dito. Nalibot ko na ang paligid at loob ng bahay na 'to. Wala naman akong napansin na kakaiba. Ligtas tayo dito. Kailangan rin nating magpahinga. Lalong-lalo ka na, Kyungwan."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon