Dahyun's Pov:
"Anong sinabi mo? May nangyari sa inyo ni Sana?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nayeon sakin nang malaman nila ang nangyari.
"Parang ganon na nga." Napapakamot-ulong sagot ko.
"Congrats!" Bati ni Jeongyeon sabay shake hands sakin dahilan para mapakunot-noo ako sa kanya.
"Binabati mo ba talaga ako dahil may nangyari saming dalawa?" Naguguluhang tanong ko. Ano ba naman kasing nakakatuwa sa nangyaring 'yon?
"Bagay naman kayong dalawa. Diba nga ide-date mo pa siya, sabi mo." Sagot ni Jeongyeon sakin.
"Sinabi ko bang gusto ko siyang i-date? Ang sabi ko, gusto niyang makipagdate ako sa kanya." Paglilinaw ko.
"Ano bang pinagkaiba non?"
"Gosh. Hindi ko naman siya gustong maka-date. Hindi ko naman talaga responsibilidad na sundin ang mga gusto niya nang dahil lang sa nakuha ko 'yang mga first niya." Reklamo ko pa sa harapan ng nakikinig na sila Chaeyoung, Jeongyeon at Nayeon.
"Anong plano mo?" Tanong ni Chaeyoung sakin kaya napabuntong-hininga ako.
"Hindi ko susundin ang gusto niya. Sino ba siya sa akala niya?" Badtrip na sagot ko.
"Bagay naman kayo eh." Sambit ni Nayeon.
"Tama. Bagay na bagay talaga. Wala namang masama kung subukan niyong magdate." Dagdag naman ni Jeongyeon.
"Malay mo si Sana na pala ang hinihintay ng iyong puso." Sabi naman ni Chaeyoung kaya napatingin ako sa kanila nang masama.
"Pwede ba? Wala akong pakialam sa Sana na 'yon. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa isang 'yon eh. Pakiramdam ko may binabalak na masama sakin. Parang may iba siyang gustong makuha sakin." Napapaisip na sabi ko sa kanila.
"Mukha namang mabait si Sana eh." Depensa ni Chaeyoung.
"Nababaitan ka pala sa kanya. Eh di kayo na lang dalawa."
"May Mina na ako eh." Bigla kaming natigilan sa sinabi ni Chaeyoung. Natigilan din siya nang marealize kung ano bang nabanggit niya.
"Kayo na ni Mina?" Gulat na tanong ko.
"Hindi pa."
"Wow. Talagang may pa ah." Sabi naman nila Jeongyeon.
"Sigurado na kasi akong gusto ko siya. Ay! Oo nga pala. Guys, diyan na muna kayo. Nagchat si Mina. Hehehe." Kinikilig-kilig pang sabi ni Chaeyoung bago tuluyang lumayo samin.
Napalingon na lang ako kila Jeongyeon at Nayeon na nakatingin lang din sakin.
"Uhm. May maisasuggest ba kayo sakin?" Panimulang tanong ko sa kanila.
"Para sa date niyo ni Sana?" Tanong ni Nayeon sakin.
"Hindi 'yon! Para sa pagpapalayas ko sa kanya sa buhay ko." Naiinis na sagot ko.
"Akala ko pa naman may paninindigan si Miss Kim sa mga bagay na nagawa niya." Rinig kong sabi ni Jeongyeon kay Nayeon. Obvious naman saking pinaparinggan talaga niya ako.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...