"When you feel so lonely, I'll be here to shelter you. When you feel so lonely, I'll be here. Here for you." 🎶
A/N : Tissue ang kailangan niyo para sa chapter na 'to. Charot. Hahahaha.
Sa kulungang kinaroroonan sa Pamahalaan, lubos na napapaisip si Moira sa mga bagay na napag-usapan nila ni Kyulkyung. Ilang oras na rin ang lumipas nang huli siyang bisitahin ni Kyulkyung. Ngayon, gabi't madilim na.
Hindi niya makalimutan ang mga katagang binanggit ni Kyulkyung sa kanya.
"Wala akong pakialam kung may kaalyansa ako o wala, basta ang gusto ko ay matigil na ang lahat ng ito."
"Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na makawala ka mula diyan."
"Hindi ko nanaisin na madamay ka sa gulong 'to. Kung magagawa ko lang sana na pakawalan ka ngayon, patatakasin kita tulad ng ginawa kong pagpapatakas sayo noong unang beses tayong magkakilala."
Bahagya siyang napangiti dahil sa saya na maramdamang may pakialam si Kyulkyung sa kanya.
"Gusto ko parin talaga siya." Napapatawang sabi ni Moira habang nag-iisa sa loob ng kulungan.
Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang unang beses na pagkikita nila ni Kyulkyung noon sa hardin ng Pamahalaan.
"Sino ka para utusan ang prinsesang katulad ko?!"
"Prinsesa? Tsk! Porke't anak ka ng pinuno ng pamahalaang ito, prinsesa ka na agad?"
"Gusto mo talagang mamatay? Pwes magpaalam ka na!"
"Sige. Patayin mo ko. Gawin mo. Tingnan natin ang galing mo, Prinsesa."
"Umalis ka na bago pa may makakita sayo sa lugar na 'to."
Napakamot-ulo si Moira habang inaalala ang unang pagkikita nila ni Kyulkyung na hinding-hindi niya makakalimutan.
"Unang beses ko pa lang siyang nakilala noon, alam ko na agad na matapang talaga siya." Napapailing na sabi ni Moira habang inaalala kung paano kumunot ang noo ni Kyulkyung sa kanya noon.
Bigla lamang nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang katotohanan na tila hindi ito ang initakdang panahon para sa kanila ni Kyulkyung.
Si Kyulkyung, ang babaeng pinakamamahal niya na tila may minamahal parin na iba.
Kinumbinsi niya ang kanyang sarili na kahit kailan, hinding-hindi magtatagpo ang mundo nilang dalawa. Anak si Kyulkyung ng Pinuno ng Pamahalaan. At siya? Isang hamak na rebelde lamang na kusang lumayo sa kanyang mga kasamahan dahil sa katrayduran na nagawa niya.
"Traydor ako. Dapat lang sakin 'to. Eto ang para sa isang katulad ko. Mag-isa. Walang karamay. Walang nakakaintindi." Sinabi na lamang niya sa kanyang sarili.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni niya, ikinabigla niya ang pagpasok ng ilang mga sundalo sa kulungang kinaroroonan niya.
"Anong kailangan niyo?!" Gulat na tanong niya sa mga sundalong agad na humila sa kanya patayo sa kinauupuan niya.
"Huwag ka nang magtanong. Sumama ka na lang samin!"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...