125 : Lasing

339 13 7
                                    

Tzuyu's Pov :

Nang matapos ang pagse-celebrate namin sa birthday ni Chaeyoung, napagdesisyon-an nang magpahinga ng lahat.

Napagod ang lahat sa sobrang pagsasasaya. Nauna nang magpahinga sina Sana, Dahyun, Jeongyeon at Nayeon.

"Ako nang bahala maglinis dito. Magpahinga na rin kayong lahat." Sabi samin ni Jihyo na halata namang pagod rin.

"Hindi, Fairy Queen Jihyo. Ako nang bahala dito. Magpahinga ka na rin." Pagtutol ni Chaeyoung. Napansin ko. Palaging tinatawag ni Chaeyoung na Fairy Queen si Jihyo.

Nickname niya kaya 'yun kay Jihyo? Hmmm. Tawagan nila sa isa't-isa? Teka. Imposible namang may nabubuong pagtitinginan sa kanilang dalawa. Mukha namang nakatatanda ang trato ni Chaeyoung kay Jihyo.

Pero kapag nalaman kong may ginagawang kalokohan 'tong si Chaeyoung na siyang makakapanakit sa nararamdaman ni Mina Unnie, ako ang makakaharap niya. Pero mukhang matinong tao naman 'tong si Chaeyoung. Epekto lang siguro 'to ng alak kaya kung ano-ano nang naiisip ko.

"Party pa tayo!" Napalingon ako kay Mina Unnie na lasing na lasing sa kinauupuan niya. Hindi naman nag-iinom nang todo si Mina Unnie. Ewan ko ba kung bakit nagpakalasing siya nang todo ngayon.

"Mina, Magpahinga ka na." Sabi ni Chaeyoung kay Mina Unnie na hawak pa rin yung isang bote ng alak.

"Ayaw ko. Party pa! Party!" Napahinga na lamang nang malalim kaya minabuti ko nang lapitan siya.

"Mina Unnie, tama na 'yan ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla siyang kumanta.

"Tama na 'yan. Inuman na. Hoy pare koy tumagay ka!" Pagkanta niya kaya naman nagkatinginan kami nila Chaeyoung.

"Hindi ko sigurado kung pagtuturo ba ng ballet ang gawain niyang si Mina o pakikipag-inuman." Extra ni Momo samin.

"Dapat pala hindi ko siya hinayaang magpakalasing nang ganyan. Sigurado akong sasakit nang sobra ang ulo niyan bukas." Nag-aalalang sabi ni Chaeyoung habang pinagmamasdan si Mina na nakahilata na sa kinauupuan niya.

"Hindi ko rin inaasahan na malalasing siya nang ganyan." Sagot ko sabay kamot sa ulo ko. Lahat naman kami nakainom pwera kay Sana na hindi pinayagan ni Dahyun. Pero sa lahat, si Mina Unnie ang pinaka-nalasing.

"Mabuti pa. Dalhin niyo na sa loob ng kwarto si Mina. Ako nang bahala dito. Pagkatapos, dumeretsyo na kayo sa kanya-kanyang kwarto." Bilin samin ni Jihyo kaya wala na kaming nagawa kundi pagtulungan na alalayan si Mina Unnie papunta sa kwarto namin.

"Tinanggap mo ko sa bahay mo. Pero hindi sa buhay mo! Masakit 'yon. Hindi mo ba alam?!" Rinig naming pagsasalita ni Mina Unnie habang inaalalayan namin siya.

"Ssshhh. Mina, konting tiis na lang. Makakapagpahinga ka na." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Ang bigat din pala nitong si Mina. Ihagis na nga lang natin sa dagat." Extra na naman ni Momo.

"Gusto mong mamatay nang maaga, Momo?" Tanong kaagad ni Chaeyoung kay Momo na agad namang napatawa.

"Aish. Tumigil na nga kayo sa pagdadaldalan diyan. Bilisan na natin." Awat ko sa kanila kaya naman huminto na sila sa pag-aasaran.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon