Sa loob ng madilim at tahimik na kwarto, nanatiling nakakulong si Kyulkyung. Umaasang may darating na himala. Umaasang may babalik para muli siyang makita. Ilang araw na ang nakalipas matapos tumakas ni Sharon.
Labis ang kanyang pag-aalala sa nakatatandang kapatid. Hindi siya nakasisigurado sa kalagayan ng kapatid na mag-isang tinahak ang delikado at nakaliligaw na labas ng pamahalaan.
Bigla siyang napaisip kung saan na ba nakarating si Sharon. Sa ikabuturan ng kanyang puso, hinihiling niyang sana ay nasa maayos na kondisyon ang kapatid.
Sa kabila ng naging desisyon niya na paghingi ng pabor kay Sharon na hanapin si Dahyun, nakaramdam siya ng pagsisisi. Hindi mawala sa isipan niya ang kapahamakang nakaabang kay Sharon dahil sa ginawa niyang pag-utos dito.
"Dapat hindi ko na lang siya inidamay dito." Pagsisising sabi ng dalaga habang nakaupo sa isang sulok ng kwarto.
Habang nagmumuni-muni, may nakakuha ng atensyon niya. Walang iba kundi ang mga nalantang bulaklak na nagmula pa kay Dahyun noon. Gustong-gusto niyang makausap ang kasintahan. Nais niyang maklaro ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa.
Hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob dahil sa naging desisyon ni Dahyun na lisanin ang pamahalaan nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Mas pinili nitong malagay sa panganib. Mas pinili nitong sumama kila Kyungwan at Nabong na ngayo'y hindi parin nagagawang mahuli ng mga sundalo ng pamahalaan.
Sakto namang narinig niya ang usapan ng mga sundalong bantay sa labas ng kanyang kwarto. Narinig niya ang pangalan nila Kyungwan at Nabong.
"May nakuha na ba kayong impormasyon kung saan maaaring matagpuan ang mga nakatakas na traydor?" Minabuting talasin ni Kyulkyung ang kanyang pandinig.
"May mga ilang impormasyon na ring nasagap tungkol kila Kyungwan at Nabong. May mga tao sa pamahalaan na nagsabing natanawan nila sa labas ng pamahalaan ang dalawa. Hudyat na lamang ng Pinuno ang hinihintay bago simulan ang paghuli sa kanila." Nanlaki ang mata ni Kyulkyung sa narinig.
Hindi pwedeng matunton ng mga sundalo sina Kyungwan at Nabong. Maaaring kasama nila si Dahyun. Hindi pwedeng mapahamak ang kanyang minamahal.
"May balita na ba kayo kay Dahyun?" Nagpatuloy ang pakikinig ng dalaga.
"May mga sabi-sabing baka daw nasa kampo ng mga rebelde ang traydor na 'yon. Kung nasaan man siya ngayon, matutunton din natin siya. At maaaring siya mismo ang lumapit sa atin sa oras na mahuli na natin ang mga kaibigan niya." Hindi man nakikita ni Kyulkyung ang reaksyon ng mga sundalo, ramdam naman niya ang kasamaan sa tono ng pananalita ng mga ito.
Napatikhom ang kamao ng dalaga dahil sa sobrang pag-aalala. Gusto niyang iligtas ang kasintahan ngunit wala siyang magawa kundi magmukmok at umiyak sa loob ng kanyang kwarto.
Maya-maya, wala na siyang marinig na usapan ng mga sundalo sa labas. Nagulat siya nang biglang magbukas ang pinto ng kanyang kwarto. Agad na pumasok ang kanyang ama bago sarhang muli ang pinto.
"Hindi mo parin ba talaga kakainin ang pagkaing dinala ng mga sundalo sayo?" Seryosong tanong ng kanyang ama.
"Ayoko."
"Ano? Magpapakamatay ka sa gutom para lang sa traydor na 'yon? Gumising ka, Kyulkyung. Hindi na babalik si Dahyun. Simula nang umalis siya, tuluyan nang nahinto ang namamagitan sa inyo."
"Tumahimik ka!" Hindi na napigilan pa ng dalaga ang kanyang emosyon dahilan para mapakunot ang noo ng kanyang ama.
"Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses, Kyulkyung. Ama mo ko. Ako ang pinuno ng pamahalaang ito. Kahit na anak kita, matuto kang gumalang." Sermon nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Hayran Kurgu𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...