"Kasalanan mo ang lahat ng 'to, Moira." Nasabi na lamang ni Moira sa sarili niya habang patuloy sa paglalakbay nang mag-isa sa loob ng ilang araw.
Buo na ang desisyon niyang magpakalayo-layo dahil sa mga kasalanang nagawa niya. Kahit saan siya mapadpad, wala na siyang pakialam.
Para sa kanya, karapat-dapat lamang na maranasan niya ito. Habang tinatahak ang daraanan, nakaramdam siya ng kakaiba. Tila may nagmamasid sa kanya.
At bago pa man tuluyang makalayo, ikinabigla niya ang mga sundalo ng Pamahalaan na nagsisulputan sa kanyang paligid.
"Subukan mong kumilos o tumakas, masasaktan ka!" Babala ng isa sa mga sundalo.
"Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin. Wala akong pakialam!" Inis na sambit ni Momo sabay handa ng kanyang espada.
Sa puntong 'yon, nagsimula ang kanyang laban mula sa mga sundalong nais na humuli sa kanya.
Hindi naging madali para sa mga sundalo na dakipin si Moira sapagkat nagtataglay din ito ng husay sa pakikipaglaban. Ngunit sa dami nila, nahirapan din si Moira.
Hanggang dumating sa puntong nakaramdam ng panghihina si Moira dahil na rin sa sobrang pagod at pagkagutom. Agad siyang napaluhod sa lupa kaya naman huminto sa pag-atake ang mga sundalong naglilibot sa lugar.
"Sumuko ka na!" Rinig ni Moira na sabi ng isa sa mga sundalo.
"Hi ---Hindi pwede." Maya-maya, tuluyan nang nagdilim ang paningin ni Moira dahilan para mawalan siya ng malay.
Sa pamahalaan, abala si Kyulkyung sa pagpapatuloy ng kanyang mga plano. Ilang mga mamamayan ng Pamahalaan na ang kanyang naparusahan dahil sa samu't-saring kasalanan.
"Kyulkyung, Anak ko." Pagtawag ng Pinunong nakaupo sa trono kay Kyulkyung na agad pumunta sa kanyang harapan.
"Anong maipaglilingkod ko, Ama?" Magalang na tanong ni Kyulkyung sa kabila ng galit na nararamdaman.
"Nitong mga nakaraan maganda ang mga ipinakita mong gawain sakin. Ikinagagalak ko na unti-unti mo nang natututunan ang mga bagay na gusto kong malaman mo noon pa man."
"Ano pong ibig niyong sabihin, Ama?"
"May nais akong ipagawa sayo."
"Ano po 'yun, Ama?"
"Nakahanda ka ba sa ipagagawa ko?"
"Nakahanda po, Ama." Mabilis na sagot ni Kyulkyung kahit na wala siyang kaalam-alam sa ipagagawa ng kanyang ama.
Kahit na ganon, kailangan niyang magpakamatapang upang tuluyan nang makuha ang tiwala ng kanyang ama.
"Mga sundalo, dalhin siya dito." Rinig ni Kyulkyung na sabi ng kanyang ama. Agad namang nanlaki ang mata ni Kyulkyung nang makita si Moira na hila-hila ng mga sundalo papunta sa harapan niya.
"Kyul ---Kyulkyung." Nanghihinang sabi ni Moira na puno ng mga galos at pasa.
"Moira." Hindi parin makapaniwalang sabi ni Kyulkyung.
"Nadakip ng mga sundalo ang rebeldeng 'yan. Ngayon, ang gusto kong gawin mo ---Ikaw mismo ang tumapos sa buhay niya." Utos ng Pinuno kay Kyulkyung na tila naestatwa sa kanyang kinatatayuan.
"A ---Ako po?"
"Oo, ikaw. Ipakita mo sakin kung gaano katatag ang susunod na Pinuno ng Pamahalaan." Napalingon si Kyulkyung sa kanyang ama. Ito na ang bagay na pinakahihintay niya, walang iba kundi ang makuha ang trono mula sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfikce𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...