Lumipas ang ilang oras, nanatiling naghihintay si Dahyun sa pagbabalik ni Moira. Nang malaman mula sa mga kasamahan ni Moira na may pinuntahan pa ito, naisip niyang baka hinahanap na ni Moira sina Kyungwan at Nabong.
Minabuti niyang maghanda sa pagdating ng kanyang matatalik na kaibigan kasama ni Moira. Habang abala siya sa paghihintay, napansin niya ang dumaang si Anna.
"Anna." Agad na pagtawag niya dito. Nang mapatingin si Anna sa kanya, dumiretsyo din ito palayo. Dahil sa kagustuhang makapaghanda para sa pagdating ng mga kaibigan, minabuti ni Dahyun na puntahan si Tatang Jin Young.
"Anong sinabi mo? Gusto mong magluto?" Tanong ni Tatang Jin Young kay Dahyun na naisipang ipaghanda ng pagkain sila Nabong.
"Opo, Tatang Jin Young. Pwede ba akong magluto?" Muling pagpapaalam ni Dahyun.
"Mabuti pa --- magpatulong ka kay Anna."
"Po?"
"Magaling at masarap magluto ang anak kong 'yon."
"Talaga po?"
"Oo. Sabihin mo lang sa kanya na ipinag-utos kong tulungan ka niya."
"Sige po. Maraming salamat, Tatang Jin Young." Akma na sana akong paalis para puntahan si Anna nang tawagin akong muli ni Tatang Jin Young.
"Sandali, Dahyun."
"Po?"
"Hindi nakapagsasalita ang anak kong si Anna. Ngunit marunong naman siyang magsulat. Magkakaunawaan kayo kahit na paano."
"Alam ko na po ang tungkol kay Anna. Wala pong probema sakin 'yon. Ako na pong bahala. Salamat po." Pagpaaalam ni Dahyun bago tuluyang puntahan si Anna na nag-iisa na naman nang matagpuan niya.
Hindi maganda ang reaksyon ng mukha niya nang lapitan siya ni Dahyun. Akma na naman sana siyang lalayo kaya naman agad nang humarang sa harapan niya si Dahyun.
"Sabi ng ama mo magaling kang magluto." Panimula ni Dahyun sa kanya. Tiningnan lang niya si Dahyun nang masama.
"Pwede bang tulungan mo kong maghanda ng pagkain?"
"Pakiusap, Anna. Sigurado ako kasama na sila ni Moira pauwi dito sa kampo." Ulit ni Dahyun kay Anna. Maya-maya, kinuha na niya ang pluma niya't nagsimula na namang magsulat sa lumang papel na sa tingin ni Dahyun ay ginagamit niya laging paraan ng pakikipag-usap.
"Kapag ba tinulungan kitang magluto, titigilan mo na ako?"
Nang mabasa ang inisulat ni Anna, nabuhayan ng loob si Dahyun.
"Oo, Anna. Pakiusap, Kailangan ko ang tulong mo. Gusto ko kasing maging maganda ang pagsalubong ko sa dalawang matalik na kaibigan kong sina Nabong at Kyungwan. Wala na akong mahihilang pa, Anna." Agad na sagot ni Dahyun dahilan para tumango si Anna..
"Sumunod ka sakin."
Nang mabasa ang inisulat ni Anna, sumunod na si Dahyun sa kung saan man siya magpunta. Nakapagtataka na hindi na siya nakipagtalo pa, naisip ni Dahyun. Siguro alam din niya ang tungkol kila Nabong at Kyungwan.
Hanggang sa marating nila ang isang kubo na maraming kagamitan sa pagluluto. Marunong naman si Dahyun na magluto pero aminado siyang hindi siya kagalingan tulad ng iba.
"Sabihin mo lang sakin kung saan tayo magsisimula." Sabi ni Dahyun kaya naman muling nagsulat si Anna.
"Ano bang pagkain ang gusto mong ihanda para sa mga kaibigan mong 'yon?"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...