Sana's Pov :
Kasalukuyan akong nakasandal sa headboard ng kama habang nagtatalo ang aking isipan kung ano bang dapat kong gawin. Binabalak kong puntahan si Dahyun sa mansion ngunit nagdadalawang-isip ako dahil sa sobrang hiya. Hindi ko rin alam kung bakit nahihiya akong makaharap siyang muli.
Hindi ko inexpect na siya talaga yung namataan ko sa labas noong isang araw. Akala ko inaantok pa ako kaya namalikmata ako. Yun pala si Dahyun nga talaga yung nakita ko. Napaisip tuloy ako kung anong kalalabasan kung nagising ako nang maaga nang panahon na 'yon.
Sobrang nahihiya akong magpakita sa kanya pero pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag hindi ko pa siya nakaharap dahil palagi akong nababagabag sa pag-iisip kung bakit nga ba tila iniiwasan namin ang isa't-isa. Hindi ako sanay nang ganito.
"Knock knock!" Rinig ko ang boses ni Momo sa labas ng kwarto ko.
"Bukas 'yan. Pumasok ka na. Ano bang kailangan mo?" Nang makapasok siya sa kwarto ko, naupo siya sa gilid ng kama.
"Hindi mo parin ba siya pupuntahan?"
"Sino?"
"Sino ka diyan? Si Dahyun. Diba plano mong pumunta sa mansion para makausap siya."
"Ganon na nga."
"Bakit hindi ka pa kumikilos? Tara na." Agad niyang sagot sakin dahilan para mapakunot-noo ako.
"Tara na? Hindi ka naman kasama."
"Sobrang daya mo talaga, Sana. Isama mo naman ako paminsan-minsan."
"Ayoko nga."
"Bakit ba ayaw mo? Nakakaboring dito mag-isa. Alam mo namang day-off ako. Sayang naman yung free time ko kung tutunganga lang ako dito buong araw." Ungot sakin ni Momo.
"Akala ko pa naman concern ka sakin. Gusto mo lang naman palang sumama."
"Concern din naman ako sayo. Sadyang gustong-gusto ko lang talagang makarating sa mansion ni Dahyun."
"At bakit naman?"
"Baka may masarap na pagkain doon." Agad na sagot sakin ni Momo dahilan para mapakamot na lamang ako ng ulo.
"Sige na. Papayag na akong sumama ka. Basta tumahimik ka na diyan. Hintayin mo ko sa baba. Magbibihis lang ako." Sambit ko dahilan para mapatalon siya sa tuwa habang palabas ng aking kwarto.
Matapos kong magpalit ng damit ay bumaba na rin ako para makaalis na kami ng apartment. Tumawag kami ng taxi. Habang nasa biyahe papunta sa mansion ni Dahyun, hindi ko mapigilan yung sobrang kaba. Habang papalapit kami nang papalapit sa aming destinasyon, mas lalong tumitindi yung kaba na nararamdaman ko.
"Chill, Sana." Sabi ni Momo nang mapansin niyang ninenerbyos ako.
"Paano kapag nagtanong siya kung anong ginagawa natin sa mansion niya? Anong sasabihin ko?" Nag-aalalang tanong ko.
"Wala."
"Anong wala? Trip lang? Ganon? Pambihira. Dapat pala hindi na kita sinama eh." Inis na sagot ko kay Momo na napangisi na lamang sakin.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...