Nang magising si Dahyun, si Anna agad ang kanyang hinanap. Nagmadali siyang lumabas sa kubong tinutuluyan. Naglibot siya sa paligid upang hanapin si Anna. Nang makita ang dalaga, agad na siyang lumapit dito.
"Anna!"
Ngumiti lamang sa kanya ang dalaga na himalang walang gamit na balabal na maaaring makapagtago sa taglay niyang ganda dahilan para mapangiti rin si Dahyun. Masaya siyang nakakakasigurado na siyang totoo na talaga silang magkaibigan ng dalaga.
"Magandang umaga, Anna. Mabuti naman walang harang ang mukha mo. Sabi ko sayo, ayos lang 'yan." Pagbati ni Dahyun kay Anna na agad namang kinuha ang pluma at papel niya upang sumagot.
"Magandang umaga din. Siguro nga tama ka, hindi naman ako kinasusuklaman ng mga tao sa samahang ito."
"Yun ay dahil parang pamilya ka na nila. Mahalaga ka sa kanila, Anna. Paano? Saan ba tayo magsisimula?" Tanong ni Dahyun dahilan para mapakunot ang noo ng dalaga.
"Anong saan magsisimula?"
"Diba usapan natin tutulungan kita sa pagtatanim ng halaman at bulaklak sa likod ng kampo."
"Hindi naman ako um-oo."
"Hindi? May usapan kaya tayo. Nagtagumpay ako sa paghagis ng bato sa malayong parte ng batis." Depensa ni Dahyun kay Anna.
"Kaya ko na naman."
"Mabuti pa, tara na. Ako nang magbubuhat ng dala-dala mong ito." Nakangiting sabi ni Dahyun sabay kuha na sa basket na dala ni Anna. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Napatango na lamang siya kay Dahyun na halata namang hindi papaawat.
Nang marating ang likod ng kampo na punong-puno ng taniman, napanganga si Dahyun. Kinalbit siya ni Anna upang ipakita ang inisulat niya sa papel.
"May problema ba?"
"Wala naman. Namamangha lang ako na pinaghahandaan niyong mabuti ang mga panamin niyo." Masayang sagot ni Dahyun.
"Dito namin initatanim ang mga halamang-gamot na kakailanganin ng mga kasama sa samahan na nagkakaroon ng sakit."
"Gusto niyo talagang masiguradong ligtas ang bawat isa."
"Wala nang ibang magpoprotekta samin kundi kami-kami lamang."
"Gusto kong ihingi ng pasensya ang mga nagawang kalupitan ng pamahalaan sa inyong grupo. Dahil sa kasakiman ng pinuno, kinailangan niyo pang pwersahang kumuha ng halamang gamot sa hardin ng pamahalaan."
"Wala ka namang kasalanan, Dahyun. Ang pinuno ng pamahalaan ang dapat na magbayad sa mga kasalanang nagawa niya."
"Anna, ipinapangako ko sayo na gagawin ko ang lahat upang matulungan ang grupo niyo. Sa oras na makaisip na ako ng paraan kung paano ko mapapaalis sa posisyon ang pinuno, kikilos na agad ako. Kailangan nang magsimula ng pagbabago."
"Sa paanong paraan mo gagawin 'yon?"
"Kasintahan ko si Kyulkyung na siyang anak ng pinuno. Sa oras na magpakasal na kaming dalawa, magkakaroon na ako nang kontrol sa pamahalaan." Paliwanag ni Dahyun sa tila nalungkot na si Anna.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...