Sana's Pov :Nang maihatid ako ni Dahyun pabalik sa apartment mula sa Flower Farm niya, naabutan naming naka-park ang kotse ni Mina sa labas.
"May bisita kayo?" Tanong ni Dahyun sakin.
"Kotse ni Mina 'yan." Badtrip paring sagot ko sa kanya.
"Paano? Aalis na ako. Yung usapan tungkol sa bulaklak ah. Hindi libre 'yan." Dagdag niya sabay suot nang muli sa salamin niya.
"Whatever. Umalis ka na."
"Sana!" Bago pa makabalik sa loob ng kotse si Dahyun, narinig naming may tumawag sa pangalan ko.
Agad kong nakita si Tzuyu na nakaupo sa bench sa labas ng apartment namin na tinutuluyan namin ni Momo.
"Tzuyu? Bakit nandito ka? Nasaan si Mina?"
"Hindi ko siya kasama. Ako lang ang mag-isang pumunta dito."
"Kotse ni Mina ang ginamit mo?"
"Parang ganun na nga. Kinuha ni ate yung susi ng kotse ko. So habang natutulog siya, kinuha ko naman yung susi ng kotse niya." Proud pang sagot ni Tzuyu.
"Lagot ka talaga kay Mina." Napapailing na sabi ko na lamang. Agad namang napansin ni Tzuyu si Dahyun na nakatayo sa gilid ko.
"Sino siya?" Tanong ni Tzuyu kaya naman napatingin ako kay Dahyun na tahimik lang sa tabi ko
"Hindi ba siya pamilyar sayo? Kasama siya ng jinojowa ng ate mo noong nagparty tayo sa Bar." Paliwanag ko dahilan para mapaisip siya.
"Ah. Siya ba yung kasama mo noon magdamag ayon sa kwento ni Mina Unnie? Kaya pala pamilyar ang itsura niya. Hmmm." Sabi ni Tzuyu sabay usisa kay Dahyun.
"Hello. Ako nga pala si Dahyun." Agad na bumati si Dahyun kay Tzuyu nang may kasama pang handshake. Plastic talaga 'tong si Dahyun. Mapagpanggap. Akala mo namang napaka-nice na tao talaga. Samantalang noong una kaming magkakilala, muntikan p niya akong patayin.
"Hi, Dahyun. My name is Tzuyu. Younger sister ako ni Mina na kaibigan ni Sana na kaibigan din naman ni Momo." Pagpapakilala ni Tzuyu kay Dahyun.
"O---Okay."
"Bakit nga pala nandito ka?" Muntikan ko nang makalimutan ang tunay na rason kung bakit nandito si Tzuyu.
"Gusto ko sanang makausap si omo."
"Si Momo? Nasa loob lang si Momo ah."
"Yun nga eh. Ayaw niya akong pagbuksan ng pintuan. Kanina pa ako tawag nang tawag dito sa labas."
"Baka masama parin ang loob sayo." Sagot ko sa kanya.
"Sandali. Ikinuwento ba niya sayo yung nangyari sa bar?" Curious na tanong ni Tzuyu sakin.
"Oo. Ikinuwento niya sakin. Wala nga siya sa mood habang kinukwento kung paano kayo nagtalo eh." Dagdag ko kaya naman napakamot-ulo si Tzuyu.
"Aish. Para siyang sira-ulo. Nagpunta nga ako dito para makipag-usap sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang masaktan ang feelings niya. Totoo 'yon. Nag-iinarte na naman siya."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...