55 : Confirmed

608 19 18
                                    

Dahyun's Pov :

Nang imulat ko ang aking mata, unang-una kong nakita si Sana na mahimbing na natutulog sa tabi ko. May ngiting nabuo sa aking labi.

Sandali kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Minabuti kong ayusin ang buhok na nakaharang sa kanyang magandang mukha.

Kasalukuyan siyang nakayakap sakin kaya naman sobrang lapit ng mukha niya sakin. Napakaamo ng mukha niya habang natutulog. Hindi mo aakalaing mahilig siyang kumuda.

Habang abala sa pagtingin sa kanya, bigla kong naalala si Anna. Hindi ko inaasahan na may isa palang Anna na nagmula sa aking nakaraan. Hindi ko parin lubos maintindihan kung bakit sila lamang dalawa ni Moira ang nabura sa aking isipan.

Kailangan kong malaman ang kasagutan sa lalong madaling panahon. Inaamin kong lubos akong nababagabag sa katotohanang kamukhang-kamukha ni Moira si Momo.

Sandali kong ihinarang ang kamay ko sa pagitan ng mata at ibabang parte ng mukha ni Sana.

"Maaaring ikaw nga si Anna mula sa nakaraan." Mahinang pagkakasabi ko habang pinagmamasdan si Sana na matulog.

At lalong nadagdagan ang kaba ko dahil sa katotohanang tila may koneksyon ang lahat nang nangyayari ngayon mula sa aking nakaraan.

Ayokong maulit 'yon. Ayokong humantong sa puntong masasaktan na naman ako nang sobra. Ayokong masaktan si Sana. Hindi pwedeng maulit ang mga 'yon. Hindi na ako papayag pang muli.

Maaaring nakalimutan ko nga si Anna at Moira nang mahabang panahon. Pero hindi maipagkakaila na nanatili sa puso ko ang sakit na dulot ng nakaraan.

Matagal na nanatili sa isipan kong si Kyulkyung ang taong pinaka-nakaapekto sa buhay ko. Nagkamali ako sa bagay na 'yon dahil ang taong tunay na nakaapekto sa buhay ko ay walang iba kundi si Anna.

Pinagmasdan ko ang oras. Pahapon na rin pala. Kailangan ko nang umalis. Dahil ayoko namang gisingin si Sana, minabuti ko nang dahan-dahang kumawala mula sa pagkakayakap niya. Nag-ayos na ako nang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto upang umalis.

Akma na sana akong aalis nang biglang sumulpot si Momo.

"Dahyun."

"Ikaw pala, Momo."

"Aalis ka na?"

"Oo."

"I---Ingat ka." Bigla kong naalala yung nangyari kaninang umaga dahilan para mamula ako. Nakakahiya naman kay Momo.

"Hindi ko na ginising si Sana. Pakisabi na lang na umalis na ako." Lalabas na sana ako ng pinto nang muling sumagot si Momo.

"Sandali."

"Hmmm?"

"Pwede ka bang makausap kahit sandali?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay Sana." Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya naman tumango na lamang ako't naupo sa sofa.

"Gusto ko lang sanang sabihin sayo na ito ang unang pagkakataon na na-involve si Sana sa isang romantic na relasyon."

"Naiintindihan ko." Matipid kong sagot para maituloy niya ang sinasabi niya.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon