Dahyun's Pov :
"Doktora, Ano po bang dapat kong gawin para makatulong sa pagbubuntis niya?" Curious na tanong ko habang pinapaliwanag samin ni Doktora ang mga bagay-bagay na makakatulong sa pagbubuntis ni Sana.
"Basta iwasan lamang na magbigay sa kanya ng sobrang stress at pagod."
"Paano naman po yung emotions niya habang nagbubuntis? Ayos lang po ba 'yun?" Dagdag ko.
"Pregnancy emotions are a normal pary of development. Normal na mag-increase yung s*x drive niya during pregnancy."
"S*x drive po?" Napalunok ako.
"Kung s*x naman ang pag-uusapan, it's perfectly safe to have s*x during pregnancy unless sinabi ng doctor na hindi pwede. Pero sa kondisyon naman ni Sana, wala namang problema. Normal lang din na magbago ang s*x drive sa pagbubuntis. Ina-advice ko lang na sa last week ng pregnancy niya, doon kailangang huwag munang magkaroon ng pagtatalik." Bigla akong nahiya sa mga narinig ko.
"Paano po yung baby?" Nag-aalalang tanong ko habang nananahimik si Sana sa tabi ko.
"During early pregnancy, s*x will not cause miscarriage. Sa katunayan, mas makabubuti para sa kanya at sa magiging anak niyo 'yun. Mas magiging komportable ang tulog ni Sana. Bababa yung blood pressure niya. Sasaya pa siya."
"Salamat, Doktora Jieun." Sambit ko sabay shakehands sa doktora na nag-assist samin. Pa
"Walang anuman, Dahyun. Basta tumawag ka lang kapag may problema o may iba ka pang katanungan tungkol sa pagbubuntis ni Sana." Sagot ni Doktora Jieun kaya naman napangiti na lang ako't napatango.
Paglabas namin ni Sana sa hospital matapos ko siyang samahan na magpacheck-up, sinabi rin ng doktora na 3 weeks nang ipinagbubuntis ni Sana ang magiging anak naming dalawa.
Kahit na gustong-gusto na naming malaman kung babae ba o lalaki ang magiging anak naming dalawa, kailangan pa naming maghintay sa ika- 18 hanggang ika - 20 linggo ng pagbubuntis niya.
"Dahan-dahan sa paghakbang, Sana." Inaalalayan ko siya sa paglakad pabalik sa kotse.
"Ayos lang ako, Dahyun." Seryosong pagkakasabi niya kaya naman binantayan ko na lamang siya sa paglalakad niya.
"Ako na." Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para sa kanya kaso inunahan agad niya ako sabay sakay na sa kotse. Napakamot-ulo na lamang ako't sumakay na rin sa kotse.
Nang magsimula na ang biyahe namin pabalik sa apartment nila ni Momo, hindi ko maiwasang mapalingon kay Sana na seryoso pading nakamasid sa bintana ng kotse.
Galit ba siya sakin? May mali akong nagawa? Bakit ang cold niya ngayon? Parang kanina, ayos naman siya eh.
Dahil sa sobrang katahimikan ng atmosphere sa pagitan namin, minabuti kong magpatugtog na lamang.
"Baby, I'm missing you ~" Sinabayan ko pa ng pagkanta ang tugtog.
Ngunit maya-maya, ini-stop ni Sana ang tugtog kaya ihininto ko ang kotse sa isang tabi.
"Sana, May problema ba?"
"Wala. Naiingayan lang ako." Seryosong sagot niya nang hindi man lang lumilingon sa akin.
"Sigurado ka?"
"Oo nga." Tumingin siya sakin nang may pagkunot sa kanyang noo.
"Ah. O ---Okay. Sabi mo eh." Natitigilang sagot ko sabay andar na ulit sa kotse. Naalala ko yung bilin ni Doktora Jieun kanina. Hindi pwedeng mastress si Sana.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...