"Prinsesa, Baka mahuli tayo." Nag-aalalang sabi ni Sharon kay Kyulkyung na desididong makaalis ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.
"Hindi tayo mahuhuli kung hindi tayo papahuli. Kailangan na nating umalis sa lugar na 'to."
"Ayokong ilagay ka sa peligro, Kyulkyung."
"Ate, kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Hindi ko na hahayaang saktan ka pa ni ama. Kailangan kong bumawi sa mga pagkukulang ko say ---"
"Wala kang dapat gawin para sakin, Kyulkyung. Ginawa ko 'yun dahil gusto kong makasiguradong hindi ka masasaktan."
"Wala na tayong oras. Kailangan na nating umalis." Dagdag ni Kyulkyung sabay hila na kay Sharon papunta sa likod ng pamahalaan.
"Paano mo nalamang may daan dito?" Nagtatakang tanong ni Sharon kay Kyulkyung.
"Minsan na akong dumaan dito doon."
"Kasama nino?"
"Kasama ni Dahyun."
"Saan naman kayo nagpunta?"
"Minsan niya akong sinamahang gumala sa labas ng pamahalaan noon. Wala na tayong oras. Tama nang tanong, Ate." Bago pa man nila marating ang likod ng pamahalaan, may mga sundalong nakakita sa kanila.
"Ang prinsesa!" Napahigpit ang kapit ni Kyulkyung sa kamay ng nakatatandang kapatid niya.
"Kyulkyung." Nagpapanic na sabi ni Sharon nang bilisan ni Kyulkyung ang paglalakad. Maya-maya, naging mabilis na pagtakbo na ang kaninang paglalakad nila.
"Ate, Mauna ka na." Nagmamadaling sabi ni Kyulkyung sabay lingon sa paligid.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako aalis nang hindi ka kasama."
"Hindi sila hihinto hangga't hindi nila ako napipigilang umalis. Ate, umalis ka na. Hanapin mo ang kampo ng mga rebelde. Sabihin mo kay Dahyun na gusto ko siyang makausap."
"Pero Kyulkyung ---"
"Wala nang oras. Pakiusap, Ate!" Mas nagpanic si Kyulkyung nang makitang palapit na ang mga sundalo sa kinaroroonan nila.
"Kyulkyung."
"Mag-iingat ka, Ate. Susunod ako." Agad nang bumitaw si Kyulkyung sa kamay ni Sharon. Wala nang nagawa si Sharon kundi sundin na lamang ang utos ng kanyang nakababatang kapatid.
Sa pagkuha ni Kyulkyung sa atensyon ng mga sundalo ng pamahalaan, nagkaroon ng pagkakataon si Sharon na marating ang likod ng pamahalaan kung saan mabuti niyang hinanap ang kinaroroonan ng sikretong daan na tinutukoy ni Kyulkyung.
Mahirap mang tanggapin, minabuti niyang gawin ang kahilingan ng kapatid. Mabilis niyang tinahak ang labas ng pamahalaan. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya.
"Kyulkyung, mag-iingat ka din." Nasabi na lamang niya bago tuluyang simulan ang paglalakbay sa madilim na lugar dulot ng pagsapit ng gabi.
Alam niya sa sarili niyang kahit na nagawa niyang makalabas ng pamahalaan, hindi siya titigilan ng pinuno. Alam niyang gagawa ng paraan ang mga sundalo upang masundan siya kaya naman nagtatakbo na siya upang mas mapabilis ang kanyang paglayo sa pamahalaan.
Habang tinatakbo ang kawalan, hindi mawala sa kanyang isip ang kahilingan ni Kyulkyung. Kailangan niyang matagpuan si Dahyun. Kailangan niyang masabi ang ipinapahayag ni Kyulkyung na mensahe para kay Dahyun.
Lingid sa kanyang kaalaman, tuluyan nang nahuli ng mga sundalo si Kyulkyung.
"Bitawan niyo ko!" Nagpupumiglas niyang sigaw mula sa pagkakahuli sa kanya ng mga sundalo.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...