70 : Sinungaling II

612 11 18
                                    

"Handa ka na ba?" Seryosong tanong ni Dahyun kay Moira na halata namang kinakabahan sa gagawin nilang desisyon.

"Huwag na kaya nating ituloy 'to. Humanap muna tayo ng tiyempo." Sagot ni Moira sa kanya.

"Hindi mo na mababago ang isip ko. Buo na ang loob kong ituloy 'to. Wala na akong oras."

"Pero ---"

"Wala nang pero-pero. Wala akong pakialam kung sasama ka o hindi. Aalis ako sa ayaw o sa gusto niyo." Desididong sagot ni Dahyun kaya naman napahinga nang malalim si Moira.

"Baka mas mapahamak tayo."

"Aalis na ako." Agad na sumakay si Dahyun sa kanyang kabayo.

"Sandali." Agad na humarang si Moira sa harapan ng kanyang kabayo.

"Tumabi ka diyan, Moira."

"Sasama na ako."

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong sumama, Moira. Kaya ko na 'to."

"Hayaan mong samahan kita. Tutulungan ako sa pagligtas mo kay Kyulkyung." Boluntaryo ni Moira bago tuluyang sumakay sa isa pang kabayo.

"Kung ganoon, umalis na tayo. Lumalalim na ang dilim. Baka marinig pa tayo ng ibang tao dito sa kampo."

"Mabuti pa nga." Sagot ni Moira kay Dahyun na agad nang umalis sakay ng kanyang kabayo. Sumunod naman si Moira.

Sa kalaliman ng gabi, tinahak ng dalawa ang madilim na daan at malamig na panahon.

Habang abala sa paglalakbay sakay ng kabayo, hindi mawala sa isipan ni Dahyun ang kagustuhang makitang muli si Kyulkyung. Napapalingon naman sa kanya si Moira na tila binabagabag ng takot at kaba sa plano nila. Isang maling kilos, maaaring maraming madamay at masaktan.

Hindi rin naman nakaligtas sa isipan niya ang pag-aalala kila Kyungwan at Nabong. Matagal na panahon din niyang hindi nakausap at nakita ang mga kaibigan. Kailangan rin niyang tuparin ang pangakong binitawan sa mga ito.

Lumipas ang ilang oras, biglang huminto ang kabayong sinasakyan ni Dahyun dahilan para mapahinto din si Moira.

"May problema ba, Dahyun?"

"Moira."

"Hmmm?"

"Mauna ka na sa pamahalaan."

"Huh? Bakit naman?"

"Kailangan ko munang puntahan ang kinaroroonan nila Kyungwan at Nabong."

"Paano si Kyulkyung?" Naguguluhang tanong ni Moira.

"Susunod ako sa pamahalaan sa oras na matiyak ko na ang kalagayan nila Nabong."

"Samahan na kita."

"Hindi na kailangan, Moira. Mauna ka na sa pamahalaan. Mas madami tayong magagawa sa ganitong paraan. Siguraduhin mong ligtas si Kyulkyung. Kailangan ko lang talagang makausap ang mga kaibigan ko."

"Sigurado ka bang ayos lang na pumunta ka sa kanila nang mag-isa?"

"Sigurado ako."

"Dahyun."

"Hmmm?"

"Pasensya ka na."

"Saan?" Naguguluhang tanong ni Dahyun.

"Sa mga kasinungalingan ko."

"Nangyari na ang nangyari."

"Mag-iingat ka."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon