33 : Anna

474 18 6
                                    

"Maupo ka." Utos ni Moira kay Dahyun na kanina pa kinakabahan sa bawat titig ng mga miyembro ng samahan sa kampo ng mga rebelde.

"Salamat." Sa pag-upo ni Dahyun, pumuwesto na rin sa kani-kaniyang upuan ang mga rebelde.

"Mga kapatid sa samahang ito. Ang nakaupo sa inyong harapan ngayon ay walang iba kundi si Dahyun na isa sa mga sundalong may pinakamataas na ranggo sa pamahalaan." Panimula ni Moira sa lahat. Nang marinig ng mga rebelde ang sinabi ni Moira, agad silang naalerto.

"Huwag po kayong matakot sakin. Hi---Hindi ako kalaban." Agad na paliwanag ni Dahyun sa kanila.

"Hindi kalaban? Isang sundalo ng pamahalaan na may mataas na ranggo. Niloloko mo ba kami?" Tanong ng isa sa mga rebelde.

"Dati 'yon. Hindi na ngayon." Agad niyang sagot na may halong kalungkutan.

"Pamilyar ang iyong pangalan." Sabi naman ng isang matandang tila namumuno sa kanila.

"Kim Dahyun ang aking pangalan. Matalik na kaibigan ko sina Kyungwan at Nabong."

"Si Dahyun ang kaibigang naikukwento nila Nabong sa atin noon. Pumarito siya upang kausapin tayo." Bungad ni Moira sa kanilang Pinuno na mukhang matalas ang tingin sakin.

"Malaki ang naitulong nila Nabong at Kyungwan sa samahang ito. Tatang Jin Young ang tawag sakin dito. Ako ang namumuno sa kanilang lahat. Sabihin mo sakin, Ano namang gusto mong pag-usapan kasama namin?" Tanong ng pinuno nilang si Tatang Jin Young.

"Tatang Jin Young, pumarito ako upang makipagtulungan sa inyo. Tulad niyo, may isa rin akong hangarin. Gusto kong matapos na ang gulo sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebelde. Alam kong hindi kapani-paniwala na ang tulad kong sundalo na may mataas na ranggo sa pamahalaan ay biglaang tataliwas sa kinagisnang pamamahala."

"Sige. Ituloy mo." Sagot ni Tatang Jin Young habang nakikinig naman sila Moira.

"Nahuli ng mga sundalo ng pamahalaan sina Nabong at Kyungwan nang maabutan nila ang pakikipagtransakyon ng dalawa sa ilang miyembro ng samahan niyo. Habang pinahihirapan ang dalawang matalik kong kaibigan, parang naliwanagan ako. Hindi ko kayang tumayo na lamang at hayaan silang masaktan hanggang sa lagutan sila ng hininga. Alam kong hindi sila patatawarin ng pinuno. Alam kong kamatayan ang nasa dulo ng daang tinatahak nila. Sa puntong 'yon, naintindihan ko na kung bakit inisasakripisyo nila Kyungwan ang buhay nila sa pamamagitan ng pagtulong sa grupo niyo. May sinumpaan akong tungkulin sa pamahalaan bilang isang magiting at matapang na sundalong poprotektahan ang lahat ng nasasakupan ng pamahalaan. Ngunit napaisip ako, tama bang pinapatay ang mga nagrebelde? Tama bang binabalewala na lamang ang buhay nila? Taliwas 'yon sa sinumpaan ko dahil ang mga rebeldeng nawalan ng buhay ay siyang nasasakupan rin naman ng pamahalaang kinabibilangan ko." Matapang na pag-amin ko sa kanilang lahat.

"Kung ganoon, nasaan sina Kyungwan at Nabong ngayon?" Tanong ulit ni Tatang Jin Young.

"Kasalukuyan silang nagtatago sa isang liblib na kubo na malayo sa pamahalaan. Nagdesisyon akong pagpahingahin at pagtaguin na muna sila roon dahil may tinamong sugat si Kyungwan mula sa pakikipagsagupaan sa mga sundalong humuli sa kanila."

"At ikaw?"

"Nang makita ng lahat ang ginawa kong pagpapakawala at pagtatakas kila Kyungwan at Nabong, alam kong sa puntong 'yon ay initakwil na rin ako ng bayan ko. Nandito ako ngayon sa harapan niyo upang makipagtulungan. Gusto kong pigilan ang pinuno ng pamahalaan sa masamang pamamahala niya. Pakiusap. Hayaan niyo kong tumulong sa inyo."

"Diba kasintahan mo yung anak ng pinuno ng pamahalaan? Paano kami makasisiguradong hindi mo kami tatraydurin? Baka naman espiya ka lang." Sambit ng isa sa mga nakikinig na rebelde.

"Tama. Kasintahan ko nga si Kyulkyung. Hindi ako nakapagpaalam sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa pamahalaan pero alam kong maiintindihan niya ako. Kilala ko siya. Maunawain siya. Maniwala man kayo o hindi, may isa akong salita. Buhay ng dalawang matalik kong kaibigan ang nakataya dito. Buhay din ng mga inosenteng tao. Wala akong panahong makipaglokohan." Paliwanag ni Dahyun sa kanila.

"Sige. Hahayaan naming manatili ka sa lugar na ito. Ngunit binabalaan ka namin. Huwag na huwag kang gagawa ng ikapapahamak ng mga taong naninirahan dito. Nagkakaintindihan ba tayo, Kim Dahyun?" Seryosong tanong ni Tatang Jin Young kaya naman buong tapang siyang sumagot.

"Pangako. Gagawin ko ang lahat upang matapos na ang paghihirap niyo. Pati na rin ng iba pang mga inosenteng tao. Tutulong ako sa mga gawain dito. Tutulong ako sa bawat misyon niyo. Maraming salamat po!"

"Tapos na ang pagpupulong sa araw na ito." Hudyat ng kanilang pinuno na si Tatang Jin Young kaya naman kumilos na ang lahat para ituloy ang kani-kanilang ginagawa.

Maglilibot sana si Dahyun sa paligid nang bigla siyang may makabanggaang babae. Agad na nahulog ang isang bilaong mga prutas at gilay na bitbit niya kaya naman agad siyang tinulungan ni Dahyun.

"Nako. Pasensya na." Nang mapulot nilang dalawa ang lahat. Napatingin si Dahyun sa kanya. Balot na balot ng lampin ang ulo niya na nakatakip sa kanyang mukha kaya naman hindi makita ni Dahyun ang itsura niya.

"Sa ngayon, ihahatid ka muna ng anak kong si Anna papunta sa kubong tutuluyan mo." Rinig ni Dahyun na pagkakasabi ni Tatang Jin Young.

"Anna?"

"Lumapit ka dito, Anna." Maya-maya, biglang lumapit kay Tatang Jin Young ang babaeng tila balot na balot ng lampin sa mukha.

Nanatili siyang tahimik at walang imik kaya naman hindi naiwasan ni Dahyun na mapaisip. Biglang nag-alala si Dahyun na baka nagalit sa kanya si Anna sa pagkakabangga niya dito.

"Anna, ihatid mo siya sa tutuluyan niya." Utos ni Tatang Jin Young sa anak niyang babae na agad ring tumango bago tuluyang lumakad paalis.

"Susunod na ko kay Anna?" Tanong ni Dahyun kay Moira na nakatayo sa tabi ni Tatang Jin Young.

"Sundan mo si Anna. Dadalhin ka niya sa tutuluyan mo." Sagot ni Moira kaya naman nagmadali na siyang humabol kay Anna.

Nang maabutan si Anna, sinabayan na niya ito sa paglakad papunta sa kung saan.

"Kumusta, Anna?" Panimula ni Dahyun dahil sobrang tahimik ni Anna. Ni hindi siya umimik dito. Tila naisip ni Dahyun na baka ayaw talaga siyang kausap ni Anna.

"Ako nga pala si Dahyun. Pasensya na sa pagkakalaglag ng mga bitbit mo kanina." Dagdag niya ngunit wala paring imik ang dalaga. Patuloy lang siya sa paglalakad.

"Siguro ayaw mo kong kausap. Ayos lang. Naiintindihan ko naman kung hindi mo parin ako nais pagkatiwalaan." Sambit ni Dahyun ngunit tila ayaw talagang sumagot ni Moira kaya naman minabuti na lamang ni Dahyun na hindi na muna siya pilitin.

Biglang huminto si Anna at sandaling lumingon kay Dahyun.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ni Dahyun sa kanya nang buksan niya ang isang pinto ng kubo. Tumango lamang siya bilang sagot.

"Ah. Si---Sige. Salamat, Anna." Nang makapasok si Dahyun sa loob ng kubo, tuluyan na siyang lumakad paalis. Hindi mawala sa isip ni Dahyun ang ilang katanungan. Ganon-ganon na lang 'yon? Wala man lang isang sagot mula kay Anna? Puro tango? Ramdam na ramdam ni Dahyun ang pagkaayaw ni Anna na kausapin siya. Di bale, ang mahalaga ay nandito na siya ngayon. Magagawa na niyang simulan ang pagsasaayos ng lahat.

- To Be Continued -

A/N: Hello.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon