74 : Galit

462 12 2
                                    

A/N : Pakinggan niyo yung song sa multimedia section. Nagagandahan ako. Napakinggan ko 'to kanina sa spotify. Nacheck ko ibang songs ng singer ng song na 'to tapos ang ganda din. Support! Sa sobrang pagkaganda ko dito sa song, naengganyo ko mag-update. 💕

Sa kalagitnaan ng paglalakbay, pansin parin ni Anna ang emosyong nararamdaman ni Dahyun simula nang mawala ang mga kaibigan nito.

Gustuhin man niyang pagaanin ang loob nito, alam niyang hindi ganon kadali. Alam niyang hindi ganon kabilis ang magiging proseso. Alam niyang napakasakit mawalan ng minamahal sa buhay dahil napagdaanan na niya ang bagay na 'yon nang mawala ang kanyang ina noong bata pa lamang siya.

Minabuti niyang sumunod na lamang kung saan pumunta si Dahyun. Tunog lamang ng bawat hakbang ng kanilang gamit na dalawang kabayo ang maririnig pati ang nakabibinging katahimikan ng paligid nila.

Hindi niya maiwasang maalala kung gaano kagalit si Dahyun nang abutan niya ito. Hindi niya inaasahang masasaksihan niya ang pangyayaring 'yon. Sandali siyang napalingon sa kamay ni Dahyun, napansin niyang puno ito ng bahid ng dugo mula sa mga nakalaban. Hindi rin maipagkakailang puno din ng bahid ng dugo ang ginamit nitong espada.

"Umuwi ka na sa kampo. Wala akong balak na bumalik doon." Pagpaparinig ni Dahyun ngunit pinili parin niyang sumunod dito.

Huminga lamang siya nang malalim bago tumuloy sa pagsunod kay Dahyun. Lumipas pa ang ilang oras, unti-unti na niyang nararamdaman ang pagkapagod at pagkagutom. Wala siyang kaalam-alam kung saan magtutungo si Dahyun. Isa lamang ang alam niya, nakahanda siyang samahan ito kung saan man sila mapadpad.

Maya-maya, huminto ang kabayong sinasakyan ni Dahyun dahilan para huminto na din si Anna.

"Bakit ba ang kulit mo? Hayaan mo na akong mapag-isa!" Pasigaw na sabi ni Dahyun sa kanya.

Hindi nag-atubiling sumagot si Anna. Pinagmasdan lamang niya si Dahyun na halata namang punong-puno parin nang galit habang nakatitig sa kanya.

Kapansin-pansin ang lumiligid na luha nito. Hindi na napigilan ni Anna ang sarili. Akma sana niyang hahawakan ang pisnge ni Dahyun ngunit tinabig nito ang kanyang kamay.

"Huwag mo kong hawakan. Lumayo ka sakin. Bumalik ka na sa kampo mo. Kaya kong mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong mo o tulong ng kahit na sino!"

Sa puntong iyon, agad na kinuha ni Anna ang papel at pluma upang sumagot kay Dahyun.

"Kahit anong sabihin mo, hindi kita iiwanan mag-isa."

"Gusto mo talagang masaktan? Pwes ibibigay ko ang gusto mo!" Natigilan si Anna sa kinatatayuan nang tutukan siyang muli ni Dahyun ng espada sa leeg.

"Kahit saktan mo ko, hindi kita iiwanan mag-isa." Nanatiling kalmado sa kinatatayuan si Anna sa kabila ng pagbabantang natanggap mula kay Dahyun.

"Umalis ka na, Anna!" Muling pagbabanta ni Dahyun habang nakatitig kay Anna.

"Ituloy mo. Ibuhos mo sakin ang galit mo. Pero hindi parin kita pababayaan."

"Bakit ba ayaw mo pa akong lubayan?!" Sa kabila ng panganib na baka madala nang emosyon si Dahyun, mas nanaig kay Anna ang pagtitiwala dito. Nararamdaman niya sa puso niyang hindi gugustuhin ni Dahyun na saktan siya.

Nakikita niya sa mata nito ang takot na ituloy ang pagbabanta sa kanya. Hinaplos niya ang maliit na sugat sa leeg niya bago tumingin muli kay Dahyun.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon