30 : Stubborn

483 13 9
                                    

Mina's Pov :

"Busy ka ba mamayang dinner, Chaeng?" Hindi ko maiwasang mapangiti habang kausap sa kabilang linya ng tawag si Chaeyoung. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang tabi sa loob ng kwarto kung saan tinuturuan ko ng ballet ang mga batang estudyante ko.

"Bakit mo naman natanong, Minari? Hindi ko pa alam eh. Wala kasi si Dahyun dito sa mansion. May lakad sila ni Sana. " Ang cute ng pagkakasabi niya ng Minari. Kinikilig tuloy ako. At tama ba ang narinig ko? Magkasama ngayon si Sana at Dahyun?

"Magkasama sila?"

"Oo. Hindi ko pa alam kung may lakad si Dahyun pagkauwi niya galing sa flower farm."

"Flower farm?"

"Oo. May flower farm kasi si Dahyun. Sinamahan niya si Sana."

"Hmmm. Diba parang aso't-pusa ang dalawang 'yon. Nakakapagtaka lang. Ano namang ginagawa nila doon nang magkasama?"

"Bibili ata ng bulaklak si Sana."

"Oh. Ang taray ah. Yayamanin ata ang kaibigan kong 'yun ngayon."

"Minari, huwag na natin silang pag-usapan."

"Huh?" Clueless kong tanong.

"Pag-usapan naman natin 'yung tayo." Namula agad ang pisnge ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Ang harot mo, Chaeng!" Lumingon-lingon pa ako sa paligid kung meron pang estudyante na hindi pa nakakauwi. Mahirap na kapag may nakakita sakin nang ganito. Baka pagkamalan pa akong sira-ulo na napapangiti mag-isa.

"Alam mo --- laging nagugulatan si Sana at Dahyun." Sambit niya sakin dahilan para mapaisip ako sa ibig niyang sabihin.

"Gulatan?"

"Oo. May kakaibang paraan sila ng gulatan. Nainggit tuloy ako. Sana balang araw magkagulatan din tayo nang ganon. Hihihi." Rinig na rinig ko yung paghagikgik niya sa kabilang linya. Ano namang nakakatawa sa gulatan?

"Gulatan lang ba? Jusko. Ang dali-daling manggulat, Chaeng. Kayang-kaya nga 'yang gawin araw-araw."

"Mygoodness!" Rinig kong mabilis na react niya.

"May problema ba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Mina, Ikaw ah. Hihihi." Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko siya magets. Ano namang katawa-tawa sa gulatan?

"Ano bang ibig mong sabihin, Son Chaeyoung?" Curious na tanong ko dahil mukhang nageenjoy siya sa usaping gulatan.

"Wala naman. Sadyang hindi ko lang mapigilang matuwa."

"Saan?" Naguguluhan paring tanong ko.

"Sa idea na araw-araw nating gugulatin ang isa't-isa." Napakunot-noo ako dahil sa isinagot niya.

"Yung totoo --- nalipasan ka ba ng gutom kaya nagkakaganyan ka, Chaeyoung?"

"Hindi naman. Huwag mo na lang pansinin 'tong kalokohan ko. Hihihi."

"Kalokohan? Sinasabi ko na nga ba eh. May pinagtatawanan ka talaga. Ano 'yon?!"

"Chill, Mina. Basta huwag mo na lang intindihin 'yon." Siguro naramdaman niya na medyo nababadtrip na ako kaya tumigil na siya sa kakatawa.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon