126 : Peony

330 16 8
                                    

Dahyun's Pov :

"Kumusta ka?" Tanong ko kay Tzuyu na agad namang napalingon sakin. Sakto namang napatingin rin ako sa kanya dahilan para magkatitigan kaming dalawa.

Sa oras na nagtagpo ang mata naming dalawa, hindi ko maiwasang maalala si Kyulkyung. Sinong mag-aakala na siya at si Kyulkyung ay iisa?

"Ayos naman ako, Dahyun. Ikaw? Ayos ka lang ba?" Napansin kong namumula-mula pa ang mata niya. Umiyak ba siya?

"Ah. Ayos lang din naman ako, Tzuyu." Matipid na sagot ko dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin sa kanya.

Hindi naman ako nao-awkward sa kanya dati eh. Pero noong nalaman kong siya si Kyulkyung, tila may nagbago sa pakikitungo ko sa kanya.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong niya sakin.

"Hindi pa ako inaantok eh." Napakamot-ulo na lamang ako.

"Pareho pala tayo." Matipid na sagot niya sakin. Maya-maya, naramdaman ko na naman ang namumuong awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Ah. Dahyun, Congrats nga pala sa inyo ni Sana. Magiging magulang na kayo." Bungad ni Tzuyu kaya naman napangiti ako sa kanya.

"Salamat, Tzuyu. Congrats din sa inyo ni Momo."

"Tungkol nga pala kay Momo. Salamat sa pagbibigay trabaho sa kanya."

"Wala 'yun. Tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan."

"Hindi ka nagkamali ng desisyon na bigyan siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya, Dahyun. Masipag si Momo." Proud na pagkakasabi ni Tzuyu.

"Tama. Alam kong kayang-kaya niya ang trabahong ibinigay ko sa kanya. Basic lang 'yon kay Momo." Ngumiti siya sakin ngunit may napansin pa rin akong lungkot sa mata niya.

"Tzuyu, Kumusta naman kayo ng Dad mo? Ihinihingi ko ng pasensya yung araw na bumisita kami sa inyo. Mukhang napagalitan kayo nang sobra." Pago-open ko ng topic tungkol sa Dad nila ni Mina.

"Nako. Wala 'yun, Dahyun. Ganoon talaga si Dad. Saka kahit hindi naman kayo dumating noong araw na 'yon, mainitin na talaga ang ulo niya."

"Ganun ba? Pasensya na talaga. Nagrounded pa tuloy kayo noon."

"Sanay na naman kami eh."

"Si Mina? Kumusta ang relasyon niya at ng Dad niyo?"

"Hmmm. Bakit parang masyado ka namang interesado sa Dad namin?" Curious na tanong ni Tzuyu sakin.

"Ah. Wala naman. Na-curious lang ako. Huwag kang mag-alala. Hindi mo naman kailangan sagutin. Naiintindi ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, nagsalita na siya.

"Aaminin ko na sa katunayan, hindi maganda ang relasyon ni Mina Unnie at ng Dad ko." Muli akong napalingon kay Tzuyu na nakayuko lamang.

"Ta ---Talaga? Ah. Hindi mo naman kailangang sagutin ang tanong ko. Ayos lang kung hindi, Tzuyu. Hindi kita pipilitin."

"Sa tingin ko, ayos lang din naman 'to. Minsan, mahirap din na magkimkim ng problema. Ayokong dumating sa punto na maipon lahat ng iniisip ko na siyang posibleng makasama sa mismong sarili ko." Sambit niya kaya naman napatango na lamang ako.

"Kung gusto mong magshare sakin ng kahit ano, nandito ako para makinig."

"Naiinis ako kay Dad."

"Bakit naman?" Curious na tanong ko.

"Dahil palagi niyang sinasaktan at pinapaiyak si Mina Unnie."

"Sinasaktan? Pinapaiyak?"

"Sa tingin ko, mapagkakatiwalaan ka naman ng sikreto. Pareho kami ng tatay ngunit magkaiba ng nanay. Half-sister ko siya. Patay na ang nanay ni Mina Unnie. Tinatawag siyang anak sa labas ni Dad. Pero para sakin, hindi mahalaga 'yon. Siya pa rin ang Mina Unnie ko."

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon