72 : Pagkabigo

475 11 0
                                    

Abala sa pagkukwentuhan ang nag-iibigang sina Kyungwan at Nabong habang naghihintay sa pagbabalik ni Dahyun. Masaya silang muli nilang nakausap at nakita ang kaibigan.

"Sana matapos na ang lahat ng ito." Kalmadong pagkakasabi ni Nabong habang nakasandal sa balikat ni Kyungwan.

"Magtiwala lang tayo kay Dahyun. Naniniwala akong magagawan niya ng solusyon ang problemang ito." Sagot ni Nabong sa kasintahan.

"Naaalala mo pa ba yung mga panahong bulag pa siya sa pamamalakad ng Pinuno?"

"Anong ibig mong sabihin?" Agad na napalingon si Nabong kay Kyungwan.

"Noon, siya 'tong nagpupumilit na walang ginagawang masama ang Pinuno. Pero tingnan mo ngayon, siya na mismo 'tong nangunguna upang mahinto ang kasinungalingan ng Pinuno." Sagot ni Kyungwan habang nakatingin sa araw na pasikat pa lamang.

Kasalukuyang nakapwesto ang dalawa sa labas ng kanilang tinutuluyan. Nagtitiwalang babalik talaga ang kanilang kaibigan.

"Tama ka. Ikinatutuwa ko ang pagpapakatotoo ni Dahyun ngayon. Isang katulad niya ang karapat-dapat na mamuno sa buong pamahalaan." Sagot ni Nabong sabay ngiti kay Kyungwan.

"Sa tingin mo, maaayos pa ni Dahyun at Kyulkyung ang relasyon nilang dalawa? Sa sitwasyon nila, mahirap magdesisyon nang basta na lamang."

"Kung talagang sila, magiging sila din sa huli. Naniniwala ako sa paniniwalang 'yon, Kyungwan."

"Ganun ba? Eh tayo?" Natigilan si Nabong sa narinig mula sa kasintahan.

"Oo naman. Naniniwala akong tayo talaga sa huli. Kahit na matapos ang buhay natin na 'to, naniniwala akong tayo parin sa kabilang buhay. Hindi ako nakakasigurado sa maaaring mangyari sa kinabukasan natin ngunit isa lamang ang sinisigurado ko, ikaw at ikaw parin ang gugustuhin kong makasama." Kitang-kita ni Kyungwan ang pagmamahal sa mata ni Nabong.

"Ako din, Nabong. Ikaw parin ang pipiliin ko kahit na anong mangyari. Kung saan ka, doon din ako. Alam mo ---pangarap kong mamuhay nang masaya kasama mo sa iisang tahanan. Gagawin natin lahat ng magpapasaya satin. Walang ibang manggugulo satin. Sapat na saking makasama ka. Mahal na mahal kita." Masayang paglalahad ni Kyungwan ng kanyang nararamdaman para sa dalaga.

"Mahal na mahal din kita, Kyungwan. Palagi mong tatandaan 'yan. Paano? Magluto na muna tayo para may baunin tayo mamaya sa oras na bumalik na si Dahyun. Ipaghanda rin natin ng pagkain ang mga nasa kampo." Natutuwang sabi ni Nabong bago tumayo mula sa kinauupuan.

"Magandang ideya. Matagal-tagal na din nating hindi naipaghahanda ang mga nasa kampo. Nakakatuwa lang isipin na tinanggap nila tayo bilang kaibigan nila noon pa man."

"Tinanggap nila tayo dahil mabuti ang hangarin natin katulad nila. Gusto ko na silang makita at makasama." Sagot ni Nabong.

Tuluyan na silang naging abala sa paghahanda ng pagkaing babaunin papunta sa kampo. Lumipas ang ilang oras. Nagpakita na ang haring araw. Patuloy na naghintay ang dalawa.

Maya-maya, nakarinig sila ng kabayong dumating kaya naman nagmadali silang lumabas ng bahay-kubo.

"Dahyun, Nandito ka na pa ---" Hindi na natapos ni Kyungwan ang sasabihin nang mapagtantong hindi pala si Dahyun ang dumating kundi mga sundalong sakay ng kani-kaniyang kabayo.

"Sumuko na kayo. Wala na kayong matatakasan." Babala ng isa sa mga sundalo.

"Hindi pwede 'to. Pa ---Paano niyo kami natunton?!" Gulat na tanong ni Kyungwan habang dahan-dahang pinapaatras si Nabong sa kanilang kinapupwestuhan.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon