21 : Play

547 21 9
                                    

Sana's Pov :

"Mukhang tuloy na tuloy na yang panggugulo mo sa buhay ni Dahyun ah." Rinig kong sabi ni Momo nang makita niya akong palabas na ng apartment dala ang bag ko.

"Para sabihin ko sayo, hindi ko siya ginugulo. Tinuturuan ko lang siya ng leksyon."

"Leksyon ba talaga?"

"May iba pa bang dahilan?"

"Parang meron eh." Sagot niya kaya naman napa-pamewang ako sa kanya.

"Tulad ng ano? Sige nga. Sabihin mo."

"Noong isang araw kasi napapansin ko parang may kakaiba sa mga kilos mo." Panimula niya.

"Kakaiba sa mga kilos ko?"

"Kilala kita, Sana. Kung alam mo lang kung anong itsura ng mukha mo nitong nakaraang araw pag-uwi mo matapos manggaling sa mansion ni Miss Kim." Dagdag pa niya kaya naman bigla akong natigilan.

"Bwisit." Nasabi ko na lang nang maalala ko yung nangyari noong isang araw. Bwisit na Dahyun talaga 'yon. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon. Aminado kong nabigla ako sa biglang paghalik niya sakin.

Wala talaga siyang ibang ginawa kundi kunin ang mga first ko, idadamay pa yata ang mga second. Dahil ayokong ipahalata sa kanya na nabigla o naapektuhan ako dahil sa ginawa niya, minabuti kong lakasan na lamang ang loob ko. Ginaya ko yung ginawa niya. Hinalikan ko rin siya.

Kailangang hindi niya maramdaman na epektibo rin ang pang-iinis niya sakin. Hindi ako papayag. Siya 'tong kailangang maturuan ng leksyon sa huli. Kailangang matuloy ang plano kong alamin kung ano ba talaga siya. Hindi parin ako kumbinsido sa mga isinagot niya sakin eh. Malakas ang pakiramdam kong may initatagong baho ang isang 'yon.

"Hoy!" Natauhan ako sa pagsigaw ni Momo.

"Ah. Ba ---Bakit?"

"Natulala ka ata. Anyare sayo?" Tanong niya sakin.

"May naalala lang ako."

"May kinalaman ba 'yan sa nangyari sayo noong isang araw? Panay ang ngiti mo noong isang araw eh." Dagdag pa niya kaya napatingin ako nang masama sa kanya.

"Anong panay ang ngiti? Nahihibang ka na naman, Momo." Pagtanggi ko sa mga pinagsasabi niya.

"Totoo ang sinasabi ko. Napansin ko nga na panay ang haplos mo sa labi mo noong isang araw eh. Bakit kaya?" Sambit niya dahilan para mamula ang pisnge ko.

"Ano na naman bang pinagsasabi mo? Gutom lang 'yan, Momo."

"Hmmm. Siguro nga. Total binanggit mo na rin naman ang gutom, baka naman."

"Anong baka naman?"

"Baka naman pwedeng mangutang."

"Buraot ka talaga, Momo. Wala akong maipapautang sayo. Palagi na lang utang. Kung 'di utang, libre naman." Reklamo ko sa kanya.

"Sige na nga. Huwag na lang." Yumuko siya kaya naman napahinga ako nang malalim.

"Here." Naglapag ako sa table ng sapat na pera para makabili siya ng pagkain.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon