64 : Pagtingin

490 14 20
                                    

"Pwede ba kitang tanungin, Anna?" Panimula ni Sharon kay Anna na abala sa kanyang pagpitas ng mga gulay at halamang inilalagay niya sa bilao.

Hindi siya pinansin ni Anna.

"Ah. Bakit hindi mo pinapansin si Dahyun?" Tuluyan nang huminto sa ginagawa si Anna bago magsulat sa kanyang papel.

"Wala ka na doon."

Napakunot ang noo ni Sharon nang mabasa ang sagot ni Anna. Naisip niyang may hindi magandang ugali si Anna sa kabila ng pagiging masipag nito.

"Mabait naman si Dahyun."

"Pakialam ko?"

Napahinga nang malalim si Sharon sa isinagot sa kanya ng dalaga. Kalmado siyang klase ng tao ngunit hindi siya papayag nang may babastos sa kanya o magsisiga-sigaan.

"Ang sama ng ugali mo." Prankang sabi ni Sharon dahilan para mapatingin sa kanya si Anna.

"Sinasabi mo?" Ipinakita ni Anna ang papel na may sulat kay Sharon na hindi naman patitinag.

"Masipag ka. Matulungin. Maalaga. Pero alam mo kung anong kulang sayo? Respeto." Matapang na sagot ni Sharon dahilan para mapakunot ang noo ni Anna sa kanya.

Ihininto nito ang pinagkakaabalahan upang sumagot kay Sharon.

"Hindi mo ko kilala."

"Hindi mo rin naman ako kilala." Sagot ni Sharon.

"Sino ka para husgahan ang pagkatao ko?!"

"Sinusubukan kong pakisamahan ka nang maayos kaso mukhang mas gusto mong ipakita yang masama mong ugali sakin. Ganyan ka ba talaga sa bisita niyo?"

"Bisita? Bwisita ka! Hindi bisita."

"Eh di lumabas din ang katotohanan. Hindi mo talaga gustong nandito ako. Diba? Kaya ganyan ang pagtrato mo sakin o kay Dahyun."

"Sayo lang. Hindi kay Dahyun."

"Hindi kay Dahyun? Eh anong pakulo 'yang pag-iwas mo sa kanya. Ano? Trip mo lang? Para sabihin ko sayo, halos mabaliw na kakaisip si Dahyun kung bakit ganyan ka makaasta sa kanya."

"Anong nangyayari dito?" Nahinto sa pagtatalo ang dalawa nang dumating si Moira upang awatin silang dalawa.

"Moira, maniwala ka man o hindi. Ginawa ko ang makakaya ko para pakitunguhan si Anna kaso mukhang tutol siya sa pananatili ko dito." Agad na paliwanag ni Sharon kay Moira na agad namang napatingin kay Anna.

"Hayaan niyo muna akong mapag-isa." Sagot ni Anna sa pamamagitan ng pagsusulat sa papel.

"Ah. Sharon, pwede bang maiwan mo muna kami ni Anna? Kakausapin ko lang siya." Sabi ni Moira kaya naman wala nang nagawa si Sharon kundi umalis sa hardin ng kampo.

Nang makaalis si Sharon, agad na hinila ni Moira si Anna upang maupo sa isang tabi.

"Ano bang nangyari, Anna?" Mahinahong tanong ni Moira kay Anna na nakayuko lamang.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon