Sa loob ng kubong tinutuluyan, hindi maiwasan ni Dahyun na mapasilip sa bintana upang pagmasdan ang mga rebeldeng abala sa kani-kaniyang ginagawa.
Maraming katanungan ang pumasok sa kanyang isipan. Ito ba ang mga taong initututing ng pinuno ng pamahalaan na banta sa kaayusan ng lahat ng kanyang nasasakupan?
"Anak, mag-ingat ka sa paglalakad. Baka madapa ka." Napatingin siya sa mag-ama na naglalakad sa labas.
"Opo, Ama." Magalang na sagot ng batang lalaki sabay kapit sa kamay ng kanyang ama.
Isang malalim na paghinga lamang ang nagawa ni Dahyun nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang mag-ama. Lubos parin siyang naguguluhan kung bakit hindi inikukwento ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito ang tungkol sa kanyang ina. Sa tuwing magtatanong siya tungkol sa kanyang ina, iniiba nito ang usapan kaya naman hindi na siya nagpumilit pa.
Nakaramdam na naman siya ng sobrang pangungulila sa amang pumanaw noong bata pa lamang siya. Simula noon, nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa hanggang sa maging sundalo siya ng pamahalaan. Hanggang sa marating niya ang mataas na ranggong ngayon ay wala na sa kanyang kamay dahil sa tadhanang pinili niya.
Ngunit kung tatanungin siya ngayon kung mayroon siyang pinagsisihan sa ginawang pagliligtas sa dalawang matalik na kaibigan, wala siyang pinagsisisihan. Mas nangingibabaw parin sa kanya ang kanyang puso.
Akma na sana niyang sasaraduhan ang bintana ng kubo upang matulog na ngunit namataan niya si Anna na balot na balot parin ng lampin ang ulo. Dumaan ito sa kubong kinaroroonan niya. Dahil sa kagustuhang makausap nang maayos ang dalaga, lumabas siya ng kubo upang sundan ito.
Sa pagsunod niya kay Anna, narating niya ang isang batis na pamilyar. Muntik na niyang makalimutan. Sa batis na 'yon siya kumuha ng tubig na kinailangan niyang dalhin kina Kyungwan at Nabong. Wala siyang kaalam-alam noon na malapit lang pala ang batis na napuntahan niya noon sa kampo ng mga rebelde.
Sandali siyang nagtago sa gilid ng isang puno upang pagmasdan si Anna na mukhang hindi parin siya nakikita. Naupo ito sa isang gilid. Walang imik. Bakit nga ba sobrang tahimik ng dalagang anak ni Tatang Jin Young? Sa kuryosidad ni Dahyun, akma na sana niyang lalapitan ang dalaga ngunit natigilan siya nang makita ang tuluyang pagtanggal ni Anna ng lampin sa kanyang ulo upang maghilamos sa batis.
Agad na nilakasan ni Dahyun ang kanyang loob bago tuluyang lumapit sa dalaga na abala sa paghihilamos ng mukha. Nang makarating siya sa gilid ng dalaga, tumahimik muna siya. Matapos maghilamos, pinunasan ng dalaga ang kanyang mukha ng lampin na dala niya.
"Kumusta, Anna?" Panimula ni Dahyun. Agad namang napaiktad si Anna dahil sa gulat. Sandali itong natigilan habang nakatingala sa kanya. Miski si Dahyun ay hindi rin kaagad nakapagsalita matapos makita ang itsura ng dalaga.
Hindi makapaniwala si Dahyun sa kanyang nakita. Ngayo'y tila alam na niya kung bakit ayaw ipakita ni Anna ang kanyang mukha at kung bakit palaging may lampin na nakataklop sa kanyang ulo. May initatago siya.
"A ---Anna." Agad na sanang lalapit pa si Dahyun ngunit tumayo kaagad si Anna mula sa pagkakaupo upang lumayo sa kanya kaya naman humarang siya sa harapan nito.
"Sandali, Anna." Kitang-kita niya ang malaking peklat sa mukha ng dalaga.
"Gusto ko lang sana ulit humingi ng pasens ---" Bago niya matapos ang sasabihin, muli nang nagtaklob ng mukha si Anna. Agad itong nagtatakbo palayo sa kanya kaya naman hindi na niya ito nahabol pa.
Nang tuluyang makaalis si Anna, napakamot-ulo na lamang si Dahyun. Isang malaking peklat ang rason kung bakit initatago ng dalawa ang kanyang mukha. Ngayon, naiintindihan na ni Dahyun ang dahilan sa paglayo ng dalaga.
"Ganun talaga si Anna." Nagulat na lamang si Dahyun nang biglang may magsalita mula sa dilim.
"Moira?" Gulat na tanong ni Dahyun kaya lumabas na mula sa madilim na parte si Moira dala-dala ang isang espada.
"Bakit sinundan mo si Anna?" Seryosong tanong nito sa kanya.
"Gusto ko lang humingi ng pasensya sa pagkakabunggo ko sa kanya kanina."
"Yun lang ba ang dahilan?"
"Gusto ko ring malaman kung bakit sobrang layo niya mula sa mga tao."
"Ngayon, alam mo na." Sagot ni Moira sakin.
"Dahil sa malaking peklat sa mukha niya? Wala namang kaso sakin 'yun eh. Aminado akong nagulat ako nang makita ang peklat niya pero hindi naman ako natakot o nandiri."
"Ganun na nga. Nakuha niya ang peklat na 'yon noong bata pa lamang kami. Nasugatan ang mukha niya noong makipaglaban ang aming mga magulang mula sa mga sundalong gustong kumitil sa buhay naming lahat." Kwento ni Moira sabay upo sa isang tabi.
"Ganun ba? 'Yun pala ang dahilan kung bakit hindi siya malapit sa mga tao. Sobrang tahimik niya kasi. Maniwala ka man o hindi, wala akong masamang intensyon sa pagsunod sa kanya dito. Sadyang nagtaka lang ako kung bakit ayaw niyang sumagot noong kinausap ko siya. Naisip ko tuloy na baka galit siya dahil sa pagkakabunggo ko sa kanya dahilan para malaglag ang mga dala niyang prutas at gulay." Paliwanag ni Dahyun kay Moira.
"Hindi lang peklat ang dahilan kung bakit sobrang tahimik niya, Dahyun."
"Meron pa?"
"Hindi nakakapagsalita si Anna." Pag-amin ni Moira na lubos na ikinagulat ni Dahyun.
"Pipi si Anna?"
"Tama. Pipi ang kaibigan kong si Anna."
"Kaya naman pala hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. Kaya pala puro tango lang. Hindi ko agad naisip na baka pipi siya." Sabi ni Dahyun sabay kamot sa ulo.
"Pero kahit pipi 'yang si Anna, nakagagawa parin 'yan ng paraan para maintindihan siya ng ibang tao. Parang tunay na kapatid ko na 'yang si Anna. Kilalang-kilala ko 'yan. Mabuting anak. Masunurin. Matulungan. Matalino rin siya. Hindi mo dapat maliitin ang isang katulad niya dahil marami siyang kayang gawin na hindi kaya ng iba. Kaya niya ring ipagtanggol ang sarili niya mula sa mga kaaway." Dagdag ni Moira.
"Maraming salamat sa pagpapaliwanag ng sitwasyon ni Anna. Kung 'di mo pa sinabi sakin, baka tuluyan ko nang inisip na ayaw nga niya akong kausapin."
"Masasanay ka rin sa kanya, Dahyun. Pwede mo naman siyang kausapin sa pamamagitan ng aksyon o pagsusulat. Maniwala ka man o hindi, masayang maging kaibigan 'yang si Anna."
"Sana nga maging magkaibigan din kaming dalawa. Sandali lang. Bakit nga pala nandito ka? Binabantayan mo ba ako?"
"Ikaw? Babantayan ko? Sige. Inaamin kong binabantayan ko rin naman ang bawat kilos mo kahit paano. Sa totoo, inatasan ako ni Tatang Jin Young na maglibot sa paligid sa tuwing sasapit ang gabi upang masiguradong makatutulog nang mahimbing ang lahat. Paano? Bumalik ka na sa kubong tinutuluyan mo. Matulog ka na rin." Sagot ni Moira sabay lakad na paalis.
Ang dami parin talagang kailangan malaman ni Dahyun sa lugar ng mga rebelde. Bago tuluyang bumalik sa kubo, naisip niya ang isang katanungan.
"Paano kaya kami magiging magkaibigan ni Anna?"
- To Be Continued -
A/N: Follow Ai_Kiminatozaki
Thank you so much.Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...