108 : Pagsugod

298 15 10
                                    

Hindi mapigilan ni Anna ang makaramdam ng sobrang kaba dahil sa nalaman niyang balita na bukas na bukas, susugod si Dahyun at ang ilan pang kasamahan sa Pamahalaan.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin niya magawang matulog. Taimtim lamang siyang nagdadasal sa labas ng kubo na tinutuluyan. Maya-maya, umupo sa tabi niya si Sharon na tila naalipungatan sa mahimbing na pagkakatulog.

"Anna, Bakit gising ka pa rin?"

"Hindi ako makatulog."

"Iniisip mo si Dahyun? Nag-aalala ka sa plano niyang pagsugod sa pamahalaan bukas?"

"Hindi ko mapigilang mag-alala nang sobra sa kanya."

"Normal na maramdaman mo 'yan, Anna. Mahal mo siya eh."

"Kung may kakayahan lang sana ako na protektahan siya."

"Magtiwala tayo kay Dahyun. Alam nating kakayanin niya 'yon. Matapang si Dahyun. Sisiguraduhin niyang makakabalik siya sa piling mo. At sa oras na mangyari 'yon, ikagagalak niya ang pagdadalang-tao mo dahil sa wakas, magkakaroon na kayo nang sariling pamilya."

"Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Paano kung gustuhin nga niyang bumalik sa piling ko pero sa masamang pangyayari, hindi na mangyayari ang mga 'yon." Nagsimula nang mamuo ang luha ni Anna habang inisusulat niya ang mga nais niyang sabihin.

"Kakayanin niya para sayo. Babalik at babalik siya sa piling mo, Anna. Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako bilang kaibigan mo."

"Siguro nga tama ka. Kailangan ko lang manatiling positibo na babalikan niya ako. Maraming salamat, Sharon. Ikaw? Anong balak mong gawin sa kapatid mong si Kyulkyung?"

"Walang anuman, Anna. Sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko makakausap nang personal si Kyulkyung. Marami akong nais na itanong sa kanya. Alam kong mabuting tao ang kapatid ko. Hindi pa rin ako kumbinsido na magagawa talaga niyang ipahamak ang iba para sa kung anong rason. Pero sa oras na magkaroon ako ng tyansa na makausap o mapuntahan siya, nakahanda akong ibuwis ang buhay ko."

"Nandito lang din ako para sumuporta sayo, Sharon. Masaya akong naging kaibigan kita."

"Masaya rin ako na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo, Anna. Napakamapagmahal mo. Basta huwag mong papagurin masyado ang sarili mo. Baka makasama sayo at sa magiging anak niyo ni Dahyun."

"Sa oras na ipanganak na ang anak namin, sigurado ako na magiging malapit siya sayo."

"Hindi na ako makapaghintay." Nakangiting sagot ni Sharon. Nang matapos mag-usap ang dalawa, nagdesisyon na silang pumasok sa kubo upang magpahinga at matulog na.

Ang hindi nila nalalaman, pasikreto silang naririnig ng ama ni Anna na si Tatang Jinyoung. Sa paglabas ni Tatang Jinyoung sa kinatataguan niya kanina, napahinga siya nang malalim.

Hindi siya makapaniwalang magkakaroon na siya ng apo. Bigla siyang nakaramdam ng sobrang saya. Ngunit nang maalala niya ang ama ng magiging apo niya, bigla siyang nabahala.

Hindi niya nanaisin na lumaki nang walang ama ang apo niya na dinadala ni Anna. Hindi pwedeng basta na lamang siya pumayag na mawalan ng maayos at kumpletong pamilya ang magiging apo niya.

Napatikhom ang kanyang kamao. Nabahala siya sa kalagayan ni Dahyun. Napakadelikado ng binabalak nitong gawin. Gumawa ito ng delikadong desisyon nang hindi man lang nalalaman ang tungkol sa magiging anak nila ni Anna.

Agad na nagpatawag ng pagpupulong si Tatang Jinyoung sa ilang kasamahan na gising pa.

"Magpahinga kayo nang mabuti. Bukas na bukas, susundan natin sila Dahyun. Tutulungan natin sila. Kahit na gaano kahirap o kadelikado, iisang grupo tayo na may isang hangarin. Lalaban tayo hanggang sa huli." Sambit ni Tatang Jinyoung sa mga rebelde na agad naman sumang-ayon.

Sa kabilang banda, abala rin naman si Dahyun at ang iba pang kasama sa pagpapalipas ng gabi sa kung saan man ang kanilang marating.

Buo na ang desisyon niyang harapin muli ang Pinuno. Sa kanilang muling pagtatagpo, sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng Pinuno ang mga kasalanang nagawa nito. Sisiguraduhin niyang maipaghihiganti niya ang kanyang mga kaibigan at iba pang inosenteng tao na nadamay.

Ngunit kahit na may namumuong tapang sa kanyang puso, nakaramdam siya nang pagkalungkot sa desisyon niyang paglisan nang hindi man lang nagpapaalam kay Anna.

Alam niya sa sarili niya na malulungkot ang dalaga dahil sa desisyon niya ngunit kailangan niyang gawin 'to. Kailangan niyang magsakripisyo para sa mga taong umaasang maibabalik pa sa ayos ang lahat.

Sa kanilang paglalakbay, may nakakuha ng atensyon ni Dahyun. Isang tila kakaibang paru-paro ang dumako sa harapan niya. Minsan na siyang nakakita nang ganoong itsura ng paru-paro. Bigla tuloy niyang naisip na baka sinusundan siya ng paru-paro na ito ngunit imposible.

Sa pamahalaan, abala rin naman ang Pinuno sa pag-iisip ng plano kung paano tuluyang mawawala si Dahyun at ang mga rebelde sa kanyang landas upang malaya na niyang magawa ang mga ninanais nang walang gumagambala sa kanya.

Alam niya sa sarili niya na kahit anong oras, posibleng umatake ang mga kalaban upang pabagsakin siya. At hinding-hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na 'yon. Hindi pwedeng mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya.

Muli niyang inutusan ang isa sa mga sundalo na magdala ng pagkain sa kwarto ni Kyulkyung.

"Kyulkyung, Kung sumunod ka na lang sana sa mga utos ko." Napailing na lamang ang Pinuno habang inaalala kung paano siya sinubukang paikutin ng sarili niyang anak.

Nang madala ng sundalo ang pagkain sa kwarto ni Kyulkyung, wala pa ring imik si Kyulkyung. Mahahalata na sa kanyang mukha ang sobrang kapaguran at kalungkutan.

Wala siyang ginawa kundi magmukmok at umiyak. Iniisip na kung mas naging maingat lang sana siya, buhay pa sana si Moira.

"Moira, Mahal kita." Lumuluhang sabi niya sa isang sulok. Ilang araw na ring wala si Moira ngunit pakiramdam niya, kanina lamang nangyari ang lahat.

Tila naalala niya bigla kung paano tapusin ng kanyang ama ang buhay ni Moira. Napatikhom ang kanyang kamao.

"Ipaghihiganti kita, Moira." Nasabi na lamang niya bago tuluyang tumayo upang kainin ang pagkaing ihinanda para sa kanya.

Kailangan niyang magpalakas. Kailangan niyang maghanda upang maipaghiganti si Moira.

- To Be Continued -

A/N :  Maiksi ngayon ang ud. Nasira yung drama vibe. Nagpatugtog ba naman ng pearly shell si ate. Naimagine ko tuloy nagpepearly shell sila Kyulkyung. Kaasar. HAHAHAHAHAHAHA.

Vote.Comment.Share

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon