A/N: Ay! Naligaw ata tayo. Sa kabilang saida fanfic ata dapat tayo. Charot. HAHAHA.May hinanda akong video para sa story na 'to. Check niyo lang sa multimedia ng chapter na 'to. More clues sa video tungkol sa story. Sana magustuhan niyo. Salamat.
Sana's Pov :
"Saan ka pupunta, Sana?" Bungad agad ni Momo nang makita niya akong palabas na ng apartment.
"Kay Dahyun."
"Parang kahapon lang magkasama kayo. Nahuli ko pa nga ka ---" Tiningnan ko nang masama si Momo.
"Subukan mong ituloy 'yang sinasabi mo." Warning ko sa kanya na napangisi sakin.
"Oh my gulay! My innocent life!" Biglang sabi niya sabay takbo palayo sakin kaya naman napailing na lang ako.
Sira-ulo talaga 'tong si Momo. Hindi kasi sumasagot si Dahyun sa mga text ko nang magising ako kahapon nang wala siya sa tabi ko. May nangyari kayang hindi maganda kaya hindi siya nagrereply sakin?
Dahil gusto kong malaman, minabuti kong pumunta sa mansion. Isa pa, namimiss ko na rin siya. Ni hindi siya nagpaalam sakin bago siya umalis kahapon.
Agad na akong sumakay ng taxi. Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang isipin yung mga bagay na nangyari samin kahapon. Bigla akong namula. Napatakip mukha na lamang ako dahil sa sobrang kahihiyan.
Hindi ko talaga alam kung bakit umabot sa ganon ang lahat kahapon. Sandali naman akong natigilan nang maisip ko yung nangyari sa panaginip ko.
"Anna." Mahinang pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang view sa labas ng taxi. Ang weird ng panaginip kong 'yun. Ang dami tuloy gumugulo sa isipan ko.
Parang totoong nangyari ang bagay na 'yon. Parang totoo ang lahat. Kailangan kong maliwanagan. Kailangan kong malaman mula kay Dahyun ang buong katotohanan sa pagkatao niya.
Kailangan kong malaman kung sino 'tong si Anna na kamukhang-kamukha ko sa panaginip kong 'yun.
Nang makarating ako sa labas ng mansion. Nagdalawang-isip ako kung tutuloy ba ako o hindi kaso nangibabaw sakin ang kagustuhang malaman ang kalagayan ni Dahyun.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang magdoorbell. Sa unang doorbell ko, walang lumalabas. May tao kaya dito? Baka umalis silang lahat. Minabuti kong ulitin ang pagdo-doorbell ngunit wala na naman.
Akma na sana akong aalis nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Sana." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot nila Nayeon at Jeongyeon na madalas kong maabutan sa mansion ni Dahyun. Napaka-friendly talaga ng mga kapitbahay ni Dahyun.
"He---Hello." Nagdadalawang-isip na pagbati ko sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ni Nayeon.
"Ah. Nagdo-doorbell ako kaso mukhang walang tao." Agad na sagot ko.
"Wala nang doorbell-doorbell. Pasok na tayo!" Nagulat ako sa biglaang pagbukas ni Jeongyeon sa gate sabay lakad na papasok. What the ---- ? Daig pa ako ng mga 'to ah.
"Tara na, Sana. Sigurado akong nasa loob lang si Dahyun." Sabi ni Nayeon sabay hila na sakin papasok kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
Nang makapasok kami sa loob, naabutan namin si Dahyun na tahimik na nakaupo sa sofa sa living room. Taimtim lamang siyang nakayuko habang may malalim na iniisip.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfic𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...