-----
"Dahyun!" Masayang pagbati ni Kyungwan kay Dahyun na agad na lumapit sa kanila ni Nabong sa kanilang tagpuan.
"Kailangan nating mag-usap, Kyungwan." Halata sa boses ni Dahyun ang labis na pag-aalala.
"Anong meron?" Tanong naman ni Nabong sa dalawa.
"Ah. May pag-uusapan lang kami ni Kyungwan. Diyan ka muna, Nabong." Agad nang hinila ni Dahyun ang kaibigang si Kyungwan upang makapag-usap sila nang sila lamang ang nakakarinig.
Nang makasiguradong hindi na maririnig ni Nabong ang kanilang usapan, minabuti nang simulan ni Dahyun ang nais niyang sabihin.
"Kinausap ako ng Pinuno." Panimula ni Dahyun.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sayo."
"Sakin? Bakit?"
"Sabi ng Pinuno, may mga natatanggap siyang balita sa ibang sundalo na pasimple mong tinutulungan ang mga rebeldeng nakakaengkwentro natin."
"Alam naman nating naiinggit lang ang mga sundalong nagkakalat ng kung ano-anong balita sa Pinuno." Sambit ni Kyungwan.
"At alam din nating tinutulungan mo talaga ang mga rebeldeng nakakasalamuha natin." Agad na sagot ni Dahyun sa kaibigan.
"Alangan namang hindi ko sila tulungan? Oo, rebelde sila. Sabihin na nating taliwas ang pinaniniwalaan nila sa pinaniniwalaan ng pamahalaan ng ating Pinuno. Pero sa huli, tao lang din naman sila eh. Gusto lang naman nilang itrato sila nang tama." Depensa ni Kyungwan.
"Naiintindihan kita, Kyungwan. Alam kong napipilitin lamang na gumamit ng karahasan ang mga rebeldeng nakakalaban natin. Alam kong gusto lang naman nilang pakinggan ng Pinuno ang hinaing nila pero iba ang sitwasyon natin. Alam mong may sinumpaan tayong pangako nang maging sundalo tayo ng pamahalaan ng Pinuno." Nag-aalala paring sabi ni Dahyun kay Kyungwan na tila wala paring balak na makinig sa kanya.
"Ano ba ang sinumpaan natin nang maluklok tayo sa responsibilidad na 'to? Diba nanumpa tayo na gagawin natin ang lahat upang maprotektahan ang lahat ng mamamayan ng lugar na 'to. Mamamayan din naman natin ang mga rebeldeng 'yon ah. Bakit kailangan nating mamili ng poprotektahan?"
"Kyungwan, kapag ipinagpatuloy mo pa ang pakikisalamuha sa mga rebelde ---"
"Ano? Parurusahan ako ng Pinuno? Igagaya niya ako sa mga rebeldeng nahuli? Bibitayin din ako? Tatanggalan din ako ng karapatang mabuhay dahil lang iba ang pananaw ko sa tunay na kalayaan?"
"Hindi pa huli ang lahat, Kyungwan. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na paghinalaan ng Pinuno. Kukumbinsihin ko siyang tuluyang maniwala na wala kang ginagawang masama. Hi---Hindi niyo kailangang madamay ni Nabong sa gulo sa pagitan ng pamahalaan natin at samahan ng mga rebelde." Pangungumbinsi ni Dahyun sa kaibigan.
"Tama ka. Hindi pa huli ang lahat. Kaya ko pang gumawa ng paraan para sundin ang nasa puso ko."
"Kyung---Kyungwan, Pakiusap."
"Bakit ba sinusubukan mo akong kumbinsihin na sundin na lang ang lahat ng ipinaguutos ng Pinuno? Hindi lahat ng sinasabi niya, tama. Habang tumatagal, mas naliliwanagan ako. Sa tuwing nakikita ko kung paano maghirap ang mga rebeldeng nakakalaban natin, unti-unti kong nararamdaman na napakalupit ng tadhanang ito. Bakit kailangan nilang mamatay? Bakit kailangan silang ipapatay ng Pinuno?!"
"Hindi ko ginagawa 'to para sa sarili ko, Kyungwan. Makinig ka sakin. Kapag hindi ka pa huminto sa pagtulong sa kanila, posibleng madamay din si Nabong. Hahayaan mo bang masaktan ang babaeng pinakamamahal mo? Kapag nahuli ka ng Pinuno, pareho kayong masasaktan. Alam mong ayokong mangyari 'yon."
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...