Dahyun's Pov:
"Kyulkyung, Gusto kita." Lakas-loob na pag-amin ko sa magandang babaeng kaharap ko.
"Gusto mo ko?" Tanong niya sakin.
"Oo. Gustong-gusto."
"Sa dinami-dami, bakit ako?"
"Sa tagal nating magkasama, napalapit na ako nang sobra sayo. Para kang bulaklak na 'to, pinakamaganda sa paningin ko." Nahihiya pang pag-amin ko sa kanya matapos iabot ang hawak kong peonies na bulaklak.
"Kung ganon, ituloy mo lang 'yang pagkagusto mo sakin dahil gusto rin kita." Sagot niya dahilan para mapanganga ako sa gulat.
"Talaga?"
"Ayaw mo?" Nakangiting tanong niya.
"Gustong-gusto!" Hindi ko na napigilang yakapin siya sa sobrang saya.
Nang imulat ko ang mata ko, ni hindi na ako nagreact pa. Bumangon na ako't tumayo mula sa kama. Isang panaginip na naman mula sa nakaraan. Sanay na sanay na ako.
Habang abala ako sa paghihilamos at pagaayos ng sarili, nakarinig ako ng malakas na pagsigaw mula sa labas dahilan para magmadali ako't alamin kung anong meron. Tama ang hinala ko.
"Good morning, Miss Kim." Masayang bati ng dalawang bumulabog sa mansion ko.
"Uhm. Nandito na naman kayo." Seryosong sabi ko sa kanila na nakangiti parin sakin.
"Bumisita kami dito para dalhan ka ng pancake. Nagluto kasi kami kanina ni Jeongyeon." Biglang lumapit si Nayeon para iabot sakin ang isang lalagyan na may lamang pancake.
"Bakit?"
"Anong bakit?" Tanong naman ni Jeongyeon.
"Bakit binigyan niyo ko ng pancake?"
"Dahil nagmamahalan ang magkakapit-bahay." Masayang sagot ni Nayeon dahilan para matigilan ako. Hindi naman kami close eh. Ang awkward talaga.
"Ah. O---Okay."
"Ay! Nakita namin kanina na madaming nagkalat na dahon don sa gate ng mansion mo. Lilinisin na namin para sayo."
"Huwag!" Natigilan sila sa pagka-alerto ko.
"Huh?"
"Ako---Ako nang bahala doon. Umuwi na kayo." Kapag nilinis nila 'yon, mas magtatagal pa sila dito. Ibig sabihin, hanggang mamaya ko pa sila kailangang kausapin o samahan.
"Ano ka ba naman, Miss Kim? Kayang-kaya namin 'yon. Gusto naming makabawi sayo."
"Pero ---"
"See you later, Miss Kim." Hindi na nila ako pinatapos magsalita. Lumakad na sila para magsimulang maglinis sa may gate. Ano ba namang problema 'tong napasok ko? Paano ko tuluyang mapapalayas ang dalawang 'yon? Anong dapat kong gawin para hindi na sila bumalik pa?
Ano kaya kung gamitan ko ng kapangyarihan ang dalawang 'yon? Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Initaas ko ang kamay ko upang kontrolin ang mga halamang malapit sa gate para takutin sila Nayeon at Jeongyeon.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...