A/N : Eto na. Eto na. Maga-update na! Charot. HAHAHAHAHAHAHAHA.
Chaeyoung's Pov :
Nang maihatid ko si Momo sa apartment nila, nilapitan agad ako ni Sana.
"Kumusta ang naging lakad niyo?" Tanong ni Sana sakin habang napapalingon kay Momo na nakayuko lamang na pumasok sa loob.
"Hindi naging maganda ang kinahantungan eh." Napapakamot-ulong sagot ko dahilan para mag-alala si Sana.
"Si Dahyun? Nasaan si Dahyun? Bakit hindi niyo siya kasama ngayon?"
"Hindi ko alam kung ano ang eksakto na nangyayari sa kanya sa mga oras na 'to eh. Bigla siyang nawala sa mood nang makaharap na namin ang magulang nila Mina at Tzuyu. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng Dad nila Mina samin. Nakipagsagutan si Dahyun sa kanya. Nagkainitan kaya hinila na namin paalis si Dahyun. Gusto daw muna niyang mapag-isa. Hindi na namin pinilit pa." Kwento ko.
"Ga ---Ganun ba? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"
"Hindi ko rin alam, Sana. Pero mas mabuti pa sigurong hayaan na muna natin siyang mapag-isa. Huwag mong pagurin ang sarili mo dahil baka makasama sa magiging anak niyo ni Dahyun."
"Sige. Naiintindihan ko, Chaeyoung. Ah. Pwede bang ikaw na muna ang bahala kay Dahyun sa pagbalik mo sa mansion? Kasi wala ako doon para damayan siya."
"Sige. Walang problema, Sana. At ikaw na rin muna ang bahala kay Momo. Sigurado akong nalulungkot 'yon ngayon. Pareho kami nang napagdaanan kanina eh."
"Huwag kang mag-alala. Ako nang bahala sa kanya. Magiging maayos din ang lahat, Chaeyoung. Ganon talaga ang Dad nila Mina. May kasungitan kung minsan."
"Paano? Mauna na ako, Sana." Tumango na lamang siya kaya naman tuluyan na akong umalis.
Sa pagpasok ko sa kotse, napahinga ako nang malalim. Lilipas din 'to. Magiging maayos din ang lahat. Matatanggap din ako ng magulang ni Mina balang araw.
Nang makarating ako sa mansion, naabutan kong nagjajogging pauwi sina Jeongyeon at Nayeon.
Wala na atang ibang ginawa ang dalawang 'to dito kundi magjogging.
"Chaeng!" Excite na pagkakasigaw nila sabay takbo para yakapin ako. Bwisit 'tong dalawang 'to. Nagmo-moment ako eh. Moment ko 'to eh. Biglang umextra.
"Ano na naman ba ang trip niyong dalawa?" Tanong ko sa kanila.
"Mukhang bihis na bihis ka ha. Galing sa date?" Tanong ni Jeongyeon sabay usisa sa suot ko.
"Eh ano?" Seryosong tanong ko.
"Aba. Pumapag-ibig na ang batang 'to." Sabi naman ni Nayeon sabay tapik sa ulo ko. Agad akong umisod para tingnan sila nang masama.
"Hindi na ako bata."
"Mukha ka paring bata." Mapang-asar na sagot nila kaya napairap ako.
"Whatever."
"Nasaan nga pala si Dahyun?"
"May pinuntahan." Matipid na sagot ko dahil tinatamad na akong mag-explain sa dalawang bwisit na 'to.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...