Sana's Pov :
Lumipas ang araw ng pananatili ko sa mansion ni Dahyun kasama si Nayeon. Gustong-gusto ko nang pumunta sa hospital kahapon para bisitahin sila Chaeyoung ngunit hindi pumayag si Nayeon. Para na rin sa kalusugan ng magiging anak namin ni Dahyun, hindi na ako nagpumilit pa. Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano kalala ang mga nangyari, hindi ko maiwasang mag-alala nang sobra.
Minabuti kong sa kwarto ni Dahyun magpahinga kagabi nang dumating kami dito sa mansion. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, inisip ko na lamang na nandito siya sa tabi ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpapakita sakin. Pinipilit kong isipin na may inasikaso lang siya. Pero habang tumatagal, kung ano-ano nang naiisip ko na posibleng nangyari sa kanya.
Bakit hindi siya nagsabi sakin kung saan siya pupunta? Bakit wala man lang siyang iniwang sulat noong nawala siya nang mawalan ako nang malay? Bakit wala man lang siyang pasabi? Bakit bigla siyang nawala?
Umagang-umaga, siya kaagad ang iniisip ko. Taimtim akong nagkakape sa garden nang mansion nang matanawan ko si Nayeon na para bang may pupuntahan.
"Nayeon!"
"Oh. Sana, Gising ka na pala. Kumusta na ang lagay mo? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang sakin."
"Mukhang may pupuntahan ka."
"Ah. Oo. Diyan lang sa labas."
"Pwede ba akong sumama?"
"Huh? Nako, Sana. Diyan lang naman ako pupunta. May aasikasuhin lang."
"Alam ko naman kung saan ka talaga pupunta, Nayeon. Bibisitahin mo sila Jeongyeon sa hospital?"
"Ah. Pa ---Parang ganon na nga." Napakamot-ulo na lang siya nang wala na siyang magawa kundi umamin sakin.
"Sasama ako."
"Pero mas makabubuti kung magpapahinga ka na muna dito."
"Nakapagpahinga na ako kagabi, Nayeon. Ayos na ang kondisyon ko. Please. Hayaan mo na akong sumama sa hospital. Nag-aalala ako kila Chaeyoung."
"Pero nangako ako kay Chaeyoung kagabi eh."
"Nangako? Na ano?"
"H ---Huh? Wala 'yon. Kalimutan mo na ang sinabi ko." Umiwas siya ng tingin sakin.
"Umamin ka nga, Nayeon. May initatago ba kayo sakin? Nakakahalata na ako eh."
"Wala, Sana."
"Pakiramdam ko meron eh."
"Wala 'yon, Sana."
"Nayeon." Pagtawag ko sa pangalan niya.
"Hmmm?"
"Tapatin mo nga ako. Ano bang ipinangako mo kay Chaeyoung? Ano 'yon? Narinig ko mula mismo sayo kanina eh. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nagagalit. Gusto ko lang talagang malaman kung ano 'yon."
"Aish. Sige na. Nagtext sakin si Chaeyoung kagabi. Nakiusap siya na huwag muna kita hayaang pumunta sa hospital." Pag-amin ni Nayeon sakin.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...