76 : Ang Anak Ko

594 17 20
                                    

Dahyun's Pov :

Habang nagmamadali ako sa pagpunta sa flower farm upang humanap ng maaaring lunas upang muling lumakas si Jihyo, hindi ko inaasahang may madadaanan akong traffic. Napahampas na lamang ako sa steering wheel dahil sa pagkainis.

Binuksan ko ang bintana ng kotse upang silipin kung ano bang dahilan ng traffic hanggang sa nalaman kong may minor accident palang naganap sa kalsada. Dalawang kotse ang nagka-aberya.

Ngunit hindi 'yun ang nakapagpainis sakin nang sobra. Hindi ko inaasahan na darating ang panahong ito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isa sa mga may ari ng kotseng nagka-aberya.

Hindi pwede 'to. Totoo ba 'tong nakikita ko? Kinusot ko ang mata ko nang dalawang beses upang makasigurado na hindi ako namamalik-mata o nagkakamali ng pagkakakilala sa kanya.

"Pi ---Pinuno." Natitigilang pagkakasabi ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit ngayon pa siya dumating sa buhay ko? Biglang nagnumbalik ang lahat ng galit ko sa kanya na naipon sa matagal na panahon.

Akma na sana akong bababa ng kotse upang lapitan siya ngunit nagsimula nang umandar ang mga sasakyan sa harapan ko kaya naman wala akong nagawa kundi magmadaling i-start muli ang makina ng kotse. Habol tanaw ko siya habang papalayo ako.

Naisip kong i-park na muna ang kotse sa isang tabi upang mabalikan siya ngunit bigla kong naalala si Jihyo. Kailangan kong humanap ng lunas para sa kanya.

Sandali akong nagpark sa isang tabi upang mabilis na pagdesisyonan ang bagay na 'to. Ito na ang pagkakataon kong parusahan si Pinuno sa mga kasalanan niya sakin. Walang kasiguraduhan kung muli ko pa siyang makikita. Hindi pwedeng masayang ang pagkakataong ito. Ngunit hindi rin pwedeng masayang ang oras na ito dahil sa kalagayan ni Jihyo.

Napatikhom ang aking kamao.

"Pinuno, sisiguraduhin kong mahahanap ulit kita." Sambit ko na lamang bago ituloy ang pagbiyahe papunta sa flower farm.

Aminado kong inis na inis ako kay Jihyo dahil sa mga bagay na inilihim niya sakin sa mahabang panahon. Gustong-gusto ko siyang magdusa dahil sa pagsisinungaling niya sakin ngunit hindi ko magawa.

Noong mga unang panahon ng pamumuhay ko nang mag-isa sa mundong 'to, aminado akong ginabayan niya ako. Sa katunayan, tinulungan niya akong makapagsimulang muli. Ginabayan niya ako noon kung paano pangalagaan nang maayos ang kalikasan sa pamamagitan ng kapangyarigan na meron kami kaya naman naging matagumpay ang flower farm na naging dahilan naman kung bakit sa isang malaking mansion ako nanirahan.

Mas binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa tuluyan ko nang marating ang flower farm. Wala sa flower farm ang mga inatasan kong mangasiwa dito dahil day-off nila ngayon. Minabuti kong pumasok na sa loob. Nilibot ko ang buong lugar dala ang pag-iisip na dito nakalibing ang mag-ina ko. Dito nakalibing si Anna at ang anak naming dalawa.

Hindi ko na napigilang makaramdam nang sobrang lungkot. Buong buhay ko, hindi ko nagawang respetuhin ang pagkawala nang anak ko dahil wala akong kaalam-alam na nag-exist siya sa mundong ito. Dahil sa kapabayaan ko, nawala ang mag-ina ko.

Bigla kong naalala ang pagkakataon na napagtanto kong wala na sakin si Anna. Habang abala ako sa pakikipaglaban, hindi ko namalayan na wala na sakin si Anna. Sobrang sakit na maalala kung paano siya nawalan nang buhay noon. Sa sobrang sakit, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon