Nang iminulat ni Dahyun ang kanyang mga mata, agad siyang napabangon mula sa kinahihigaan. Paumaga pa lamang kung kaya't medyo madilim pa sa labas. Ngunit kahit ganoon, gising na ang karamihan sa mga tao sa kampo ng mga rebelde.
Natanawan ni Dahyun mula sa bintana ng kubong tinutuluyan niya ang taong may misteryosong katauhan. Walang iba kundi si Anna. Agad na nagnumbalik sa isip ni Dahyun ang natuklasan sa dalaga.
Initatago nito ang kanyang mukha sa tulong ng kanyang balabal upang hindi makita ng ibang tao ang pilat niya.
Abala si Anna sa paglalagay ng iba't-ibang klaseng halaman sa kanyang bilao. Dahil wala namang ibang gagawin si Dahyun, agad na siyang kumilos para lapitan si Anna ngunit sandali siyang natigilan nang maalala ang inikwento ni Momo tungkol kay Anna.
Hindi nakapagsasalita si Anna. Paano siya makikipag-usap sa dalaga? Dahil walang maisip na paraan kung paano kakausapin ang dalaga, nilakasan na lamang niya ang kanyang loob bago tuluyang lumapit dito.
"Anna." Agad na napalingon sa kanya ang dalaga na ngayo'y balot na balot na naman ng balabal sa kanyang ulo.
"Kumusta." Dagdag ni Dahyun sabay akmang uupo sa tabi ni Anna ngunit agad na tumayo ang dalaga dala ang bilao na may lamang mga halaman.
"Sandali, Anna." Agad niyang hinawakan si Anna sa braso dahilan para mapatingin ito sa kanya.
"Ah. Pasensya na." Agad rin naman niyang binitawan ang braso ni Anna nang mapansin na tila naiinis na ang dalaga sa kanya.
Nang tuluyang makawala mula sa pagkakahawak ni Dahyun sa kanyang braso, lumakad na palayo si Anna. Walang nagawa si Dahyun kundi pagmasdan ang dalaga na naglalakad palayo.
"Pagpasensyahan mo na si Anna." Sambit ni Moira na nasa isang tabi lang pala.
"Moira, Ikaw pala."
"Nahihiya lang siguro si Anna sayo."
"Mukhang hindi nga niya ako gustong makasama sa lugar na 'to eh." Sagot agad ni Dahyun kaya naman tuluyan nang lumapit si Moira sa kanya.
"Malayo talaga ang kalooban niya sa ibang tao. Simula nang tamuin niya ang pilat sa kanyang mukha noong bata pa lamang kami, tuluyan na siyang nagbago. Palangiti ang kaibigang kong 'yon noon. Intindihin mo na lang siya. Sadyang hindi lang niya gusto ang ideya na may makasama na taong nagmula sa pamahalaan."
"Sabi ko na eh. Ayaw talaga niya akong manatili dito. Naiintindihan ko naman."
"Natamo ni Anna ang pilat niya sa mukha dahil sa sagupaan ng grupo namin at grupo ng pamahalaan. Siguro 'yun ang dahilan kung bakit ang layo ng loob niya sa mga katulad mo na nagmula sa grupo ng pamahalaan." Paliwanag ni Moira kay Dahyun na napatango na lamang.
"Hindi ko naman siya mapipilit na maniwalang wala akong masamang intensyon sa grupo niyo. Di bale, naniniwala akong balang araw ay magiging magkaibigan rin kami ni Anna." Ngumiti na lamang si Dahyun upang iparating rin na naiintindihan niya ang sitwasyon ni Anna.
"Paano? Aalis na muna ako kasama ng ibang miyembro ng samahan upang maglibot at magbantay sa paligid." Pagpapaalam ni Moira.
"Sandali."
"Ano 'yun?"
"Pwede ba akong sumama?" Agad na tanong ni Dahyun dahilan para mapakamot sa ulo si Moira.
"Ibinilin ni Tatang Jin Young na huwag ka muna hayaang umalis ng kampo."
"Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...