Sana's Pov :
Nang imulat ko ang aking mata, isang anghel ang bumungad sa akin. May ngiting nabuo sa aking labi. Kasalukuyang nakadantay ang aking ulo sa dibdib ni Dahyun na mahimbing paring natutulog. Pinagmasdan ko ang oras sa aking phone. Napagtanto kong inabot na pala ako nang gabi dito sa mansion.
Pinagmasdan ko ang payapa niyang itsura habang natutulog. Hindi parin ako makapaniwalang nangyayari 'to. Hindi ako makapaniwalang hindi panaginip ang lahat ng ito. Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina, hindi ko naiwasang mamula. Niyakap ko siya nang mahigpit.
Sa kalagitnaan ng pagyakap ko sa kanya, bigla siyang gumalaw nang konti. Tiningnan ko kung nagising ba siya ngunit hindi naman kaya naman minabuti kong huwag na lamang intindihin 'yon.
Maya-maya, narinig ko ang mahinang pagsasalita niya.
"Dahyun?" Mahinang sabi ko ngunit hindi naman siya nagigising. May narinig na naman akong binanggit niya ngunit hindi ko naintindihan.
"Dahyun." Ulit ko. Nalaman kong nananaginip pala siya. Agad akong tumingin sa kanya na nasa kalagitnaan ng pananaginip niya.
"Mahal kita." Mahinang pagkakarinig ko na pagkakasabi ni Dahyun. Hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa kilig sa pag-iisip na ako ang napapanaginipan niya.
"Mahal din kita." Bulong ko sa kanya nang may halong ngiti sa aking labi. Nawala lamang ang ngiti sa labi ko nang dahil sa sumunod na narinig ko mula sa kanya.
"Kyulkyung." Nanlaki ang mata ko sa narinig kong pangalan. Kyulkyung? Sinong Kyulkyung ang sinasabi niya? Para sa Kyulkyung na 'yon yung sinabi niya? Kung ano-anong katanungan ang pumasok sa isip ko hanggang sa tuluyan na akong mawala sa mood.
Dahil sa pagkabadtrip ko, ihinagis ko sa mukha niya yung maliit na unan na nadampot ko mula sa kama niya. Bigla naman siyang napaiktad mula sa pagkakatulog niya.
Nagmadali akong bumangon sa kama. Kasalukuyan parin akong walang saplot. Tanging blanket lamang ang nababalot sa aking katawan. Isa-isa ko nang pinulot sa sahig ang nagkalat na damit ko.
"Sa---Sana, Hinampas mo ba ako ng unan sa mukha?" Gulat na tanong niya habang nakahawak sa pisnge niya.
"Aalis na ako." Badtrip na pagkakasagot ko sabay akmang pupunta sa cr upang magbihis ng damit ngunit mabilis siyang bumangon sa kama upang harangin ako.
"Sana, Sandali. Ba---Bakit? May problema ba? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Tanging boxer lamang niya ang kanyang suot.
"Padaan nga. Magbibihis na ako. Kailangan ko nang umuwi."
"Pero gabi na, Sana. Delikado nang lumabas."
"Eh ano? Sa gusto ko nang umalis eh."
"Bakit parang badtrip ka? May nagawa ba akong masama? Tell me."
"Bakit hindi mo itanong kay Kyulkyung?!" Cold na pagkakasagot ko sa kanya.
"Kyulkyung? Paano mo nakilala si Kyulkyung?" Gulat niyang tanong sabay hawak sa braso ko upang hindi ako makaalis sa harapan niya.
"Sinabi ko bang kilala ko si Kyulkyung? Hindi ko naman kilala 'yon. Mabuti pa, magsama kayong dalawa!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya ngunit mas malakas siya sakin.
"Let me explain, Sana."
"May pa 'mahal kita' ka pa sa Kyulkyung na 'yon sa panaginip mo. Akala ko matino ka, Dahyun. Kung pinaglalaruan mo lang ako, itigil na natin 'to."
"Maniwala ka sakin. Mahal kita, Sana. Hi---Hindi ako nagloloko. Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Hindi kita pinaglalaruan." Paliwanag niya sakin.
"Eh sino si Kyulkyung?!"
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...