Dahyun's Pov:
Agad ko nang ini-park ang kotse sa parking area ng destinasyon namin ni Sana. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na 'to pero masama ang pakiramdam ko sa binabalak niya dahil kakaiba ang mga tinginan niya sakin ngayon.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Masama bang tumingin sayo?" Sagot naman niya sakin sabay pamewang pa.
"Oo, masama."
"At bakit?"
"Baka ma-inlove ka sakin."
"Napakayabang mo talaga. Mabuti pa bitbitin mo na yung dala kong bag." Utos niya dahilan para mapakunot-noo ako sa kanya.
"Gamit mo 'yon, ikaw ang magbitbit."
"Hindi ka ba naaawa sakin?"
"Hindi." Deretsyahang sagot ko kaya naman tiningnan niya ako nang masama.
"Ganyan mo ba itatrato ang ka-date mo?!"
"Sino bang may sabi na nagde-date tayo ngayon? Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa natin sa elementary school na 'to." Napalingon ako sa paligid. Bakit nga ba dito kami pumunta? Ano namang gagawin namin sa eskwelahang 'to?
"Ako ang may sabi. Bakit? May angal ka?"
"Bawal ba akong umangal? Eh buhay ko 'to. May sarili akong desisyon."
"Diba napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na 'yan. Wala kang choice kundi i-date ako, Kim Dahyun."
"Bakit ba kasi ako? Ang dami naman diyang iba na posible pang magkagusto sayo. Jowang-jowa lang ang peg?"
"Tumigil ka nga diyan. Baka nakakalimutan mong may atraso ka sakin. Kung nabubuhay lang ang magulang ko ngayon, sigurado kong malilintikan ka. Kasalanan mo kung bakit may nangyari sating dalawa ng gabing 'yon."
"Ah. Talaga? Ako pa talaga ngayon ang may kasalanan? Pareho tayong may kasalanan. Tanggapin mo na ang katotohanang 'yon." Depensa ko sa kanya.
"Pasalamat ka nga't hindi nagbunga ang pananamantala mo sakin eh." Malakas na sabi niya dahilan kaya napalingon ako sa paligid para alamin kung may nakakarinig bang ibang tao.
"Hoy! Yung bibig mo!" Saway ko sa kanya.
"Ano ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi pa ako handang magkaroon ng anak. Ni hindi ko nga magawang buhayin nang maayos ang sarili ko ngayon eh." Reklamo niya sakin.
"Eh bakit sakin ka nagrereklamo? Kung ano-ano nang pinagsasabi mo, tungkol lang naman sa gamit mo ang usapan natin kanina. Sige na. Ako nang magbibitbit ng bag mong hindi malaman kung tao ba ang laman sa laki. Nakakahiya naman sayo eh." Nang makuha ko sa kotse ang malaking bag ni Sana, kitang-kita kong ngumisi siya sakin na tila ba nang-aasar pa.
Ano kaya kung padulasin ko ulit ang babaeng 'to? Sige na. Inaamin ko nang ako talaga ang may gawa kung bakit muntik na siyang madulas kanina. Sadyang nabwisit lang talaga ako nang sobra kanina sa kanya. Pero hindi ko naman siya tinuluyan eh. Sinalo ko naman siya sa huling sandali ah. Hindi parin masasabi na sumuway ako sa batas ni Jihyo na huwag gagamitin para manakit ng kapwa ang kapangyarihang ibinigay niya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...