79 : Yakap

517 14 26
                                    

Dahyun's Pov :

Napaka-weird ni Jihyo kanina. Ni hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak siya dahil don sa petals ng camellia flower.

Sa pagdating ko sa apartment nila Sana, pinagbuksan ako ni Momo ng pinto.

"Nasaan si Sana? Kumusta na siya?" Nag-aalalang tanong ko kay Momo.

"Nasa loob ng kwarto niya. Badtrip na naman. Ano ba kasing napag-usapan niyo? Pinipilit kong pumunta sa hospital. Ayaw naman pumayag. Ayaw makipag-usap sakin."

"Momo, Pwede ka bang bumili ng para sanpregnancy test?"

"Sige. Puntahan mo na lang si Sana sa kwarto. Ako nang bahala lumabas." Sagot ni Momo kaya naman agad na akong pumasok sa loob upang dumiretsyo sa kwarto ni Sana.

"Sana? Buksan mo 'tong pinto." Kinatok ko ang nakalocked na pinto ng kwarto niya.

Walang sumasagot.

"Sana, Ako 'to. Si Dahyun. Open the door."

Wala paring sagot.

"Sana, Mapipilitan akong sirain ang pinto ng kwarto mo kapag hindi mo pa binuk ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, agad na bumukas ang pinto.

Tumambad sa harapan ko ang nakakunot noong si Sana. Parang gusto niya akong suntukin dahil sa nakakatakot na titig niya eh.

"Hell ----o." Natitigilang pagbati ko dahil parang nasa impyerno ko dahil sa nararamdaman kong tensyon sa pagpamewang niya sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Mataray na pagkakatanong niya.

"Pag-usapan natin 'to mamaya, Sana. Kailangan mo munang magpacheck-up sa hospital. Sabi ni Momo, nagsusuka't nahihilo ka daw. Posibleng ---"

"Posibleng ano?!"

"Posibleng nagdadalang-tao ka."

"Ano naman sayo kung nagdadalang-tao nga ako?!"

"Sana, Anong klaseng tanong ba naman 'yan? Kung nagdadalang-tao ka nga, concern lang naman ako sayo at sa magiging anak natin." Paliwanag ko sa kanya na mukhang nagmamatigas parin.

"Sinungaling."

"Sana, Listen to me. Please."

"Ang lakas ng loob mong tawagin akong Anna kanina. Sino ba talaga si Anna sa buhay mo? Kasama mo siya kanina kaya natagalan ka sa pagpunta dito noh? Kaya imbes na pangalan ko, pangalan niya ang nasabi mo!"

"Aish. Nagkakamali ka, Sana. Natagalan ako sa pagpunta dito dahil may ibinigay pa ako kay Jihyo sa mansion." Paliwanag ko.

"At sino naman si Jihyo?! What the hell? Dahyun! May Kyulkyung. May Anna. Tapos may Jihyo pa pala. At nasa mansion mo pa?! Umalis ka na!" Initulak niya ako't muling sinaraduhan ang pinto.

"Sana! Hey. Let me explain. Nagkakamali ka. Hindi kita pinagtataksilan. Buksan mo 'tong pinto. Maniwala ka naman sakin." Pagpapaliwanag ko mula sa labas ng kwarto niya.

"Don't talk to me. Umalis ka na. Sinasabi ko na nga ba eh. Stay away from me. Umalis ka na. Huwag na huwag ka na ulit magpapakita sakin. You fvcking Kim Dahyun!" Galit na galit siya sakin. Wala naman akong ginagawang masama.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon